Poem 23 - Binibining Hindi Akin

741 11 0
                                    

"Binibining Hindi Akin"

Binibining kagandahan
Nais kong iyong malaman
Itong aking nararamdaman
Na hindi mo maiintindihan

Hindi ko inakala
Na ika'y makikilala
Sa di inasahan
Na nakakabaliw na paraan

Magagaan na mga salita
Pero malalim ang tama
Sa aking damdamin
Puso'y gustong umamin

Laman ng isip ay ikaw
Bawat oras ikaw parin at ikaw
Pero bakit ganito?
Sobrang tinamaan ako sayo

Crush nga ba ang tawag dito?
O tuluyan na akong nahulog sayo
Mahal na ba talaga kita?
Grabe ang epekto mo sinta!

Inaabangan ang iyong pag-online
Pero ang sakit pala minsan
Gusto kang kausapin kahit madalian
Pero nauwi sa alanganin naman

Hanggang tingin nalang ako
Sa tuwing dadaan ka sa tabi ko
Mabuti na ngang ganon
Kahit di ko pa tinatanggap ang hamon ng panahon

Hanggang dito nalang
Itong nararamdaman
Sana matigil na
At sana mawala na ng lubusan

Sana'y malimutan
Itong aking nararamdaman
Dahil wala namang pag-asang
Ako'y iyong magustuhan

PoemsWhere stories live. Discover now