Poem 48

347 5 0
                                    

"Pag-ibig"

Pag-ibig ko'y sayo totoo
Walang biro, walang tinatago,
Katotohanan ang kulay nito
Pagmamahal na para lang sayo

Pag-ibig ko'y walang hanggan
Para lang sayo magpakailanman
Balang araw ika'y magiging akin
Pagmamahal mo'y para sakin

Pag-ibig mo'y magiging akin
Haharapin lahat ng kahirapan
Basta ikaw ang premyo sa hulihan
Kaya walang di kayang harapin

Pag-ibig ko'y para sayo
Wala ng iba kundi para lang sayo
Hindi pa tuluyang tayo
Darating sa panahon na ako'y magiging iyo

Pag-ibig ko'y wala sa panahon
Hindi rin madaling matatapon
Dahil ito'y para lang sayo
Ikaw lang ang may karapatang tumapon nito

PoemsWhere stories live. Discover now