Poem 88

222 3 0
                                    

"Ariel"

Grade 10 nong kami nagkakilala
Naging magkaklase kami sa iisang silid
Naging magkaibigang ubod ng kulit
Silid ay napuno ng kulitan at tawanan

Di man kami noon ganon kalapit sa isa't isa
Di man kami ganon nagkwe-kwentohan
Naging malaking parte siya ng buhay ko
Na kailanman ay di magbabago

Makulit siyang kaibigan
Di mawawala ang tawanan
Di rin mawawala ang lambingan
Kaya marami ang napalapit sa kanyang kabaitan

May pagkatarantado minsan
Pero sobrang palabiro kadalasan
Ano pa bang aasahan sa isang Ariel
Siya'y likas na palabiro at masiyahin

Minsan lang naman kami mag-usap
Minsan lang din kami nagkikita
Pero alam kong nariyan siya para sakin
At ganon di ako sa kanya kahit di sabihin

Wala siyang katulad sa mundo
Talagang siya'y ipagmamalaki mo
Na sa iyong buhay dito sa mundo
Nakilala mo ang taong totoo

PoemsWhere stories live. Discover now