Poem 102

252 3 1
                                    


LEIRA


Di ko lubusang mapagtanto

Kung ang isang taong tulad ko

Mahuhulog sa mga ngiti mo

Magkakagusto sayo ng husto


Matagal na tayong magkakilala

Pero bakit ngayon ay bigla

Nagkagusto ako sayo bigla

Na gusto ka laging nakikita


Nais kong hawakan iyong mga kamay

Makasama ka sa pagbaybay

Sa daang walang sumasabay

At magkasama tayo habang-buhay


Matalik na kaibigan ang turing ko sayo

Pero di ko akalain na hahantong sa ganito

Mahuhulog ng tuluyan ang puso ko

Sa isang taong katulad mo


Pero bakit ka nagbago sinta ko

Tila ako'y iniiwasan mo

Natatakot ako sa maaaring mangyari

Maudlot ang pagkakaibigang di mawari


Tatanggapin ko ang katotohanan

Na ako'y di mo magugustuhan

Ngunit nais kong umabot sa walang hanggan

Ang ating pagkakaibigan


Nagseselos ako sa ibang taong malapit sayo

Pakiramdam ko sasabog ang kalooban ko

Pero ano bang magagawa ng taong ito

Wala akong halaga sa buhay mo


Mahal kong Leira sana mabasa mo ito

Alay ko sayo ang tulang ito

Malaman mo kung gaano kita ka gusto

Sayo lang nagka-ganito ang binatang ito

PoemsWhere stories live. Discover now