Poem 43

389 4 0
                                    

"Nagbago"

Unti-unting nagbabago
Naglalaho bawat segondo
Walang magagawa kahit sino
Para maayos pa ang lahat ng to

Winasak ng pride ang relasyon
Binago ang katauhan ng taong iyon
May magagawa pa kaya
Pagkakaibigan mabalik at pati ang saya

Walang kibuan ang dalawa
Naging hangin ang turingan nila
Hindi nagpapansinan sa sakit
Wakas ng pagkakaibigan ba'y inaakit?

Ang gulo na ng isip
Di alam ang nararapat gawin
Tumahimik nalang ang kanyang naisin
Para matigil ang lahat na kinikimkim

Nagbago na ang lahat
Pati ang hinaharap
Mga sandali na magkasama sila
Lumalabo na ang pagsasamahan nila

Nagbago na ang lahat
Kahit ang di nararapat
Tanggalin na lang ang dapat
At harapin ang sakit sa hinaharap

PoemsWhere stories live. Discover now