Poem - Sa Isang Kisap Mata

913 10 0
                                    

This seems like not a poem but a spoken poetry piece. Haha

Sa isang kisap-mata...

Sa isang kisap-mata tila nagbago lahat.  Yong mga nararamdaman ko sayo pag magkasama tayo,  mga nararamadaman kong paru-paro sa tiyan pag ako'y inaliw mo,  lahat yon nagbago ng di ko inasahan. 

Sa isang kisap-mata di na kita mahal.  Di ko alam kung bakit at pano basta umabot sa punto na wala na akong nararamdaman sayo.

Sa isang kisap-mata ang meron tayo noon ay wala na ngayon.  "Feelings fade" ika nga nila.  Pero di ko inasahan na sayo ko ito mararanasan.

Sa isang kisap-mata wala na tayo.  Ang dating tayo ay naging magkalayo.  Di mo ko masisisi at di rin kita masisi.  Walang may kasalan at walang may gumawa ng kalokohan.  Sadyang nawala lang ang pag-ibig na naramdaman ko parati.

PoemsWhere stories live. Discover now