Poem 96

185 2 0
                                    

Minsan

Mapapatanong ka sarili mo
Kung may nagmamahal ba sa'yo
Kung may nag-aalala sa'yo
O may punto bang mabuhay sa mundo

Mapapatanong ka minsan
Kung may taong pwede mong lapitan
Palagi mong maasahan
Palaging para sa'yo nandiyan

Simpleng kaibigan lang iyong kailangan
Pero parang pinagkait pa ng kalikasan
Di mo alam kung sino at kailan
Sa kanila iyong malalapitan

May mga taong malapit naman sa'yo
Pero maya-maya biglang lalayo
Mapapaisip ka talaga dito
Kung sila ba'y totoo

Minsan palagi tayong mapapaisip
Sa lahat ng bagay at na tayo'y naiipit
Maging matatag ka lang kaibigan
Makakahanap ka ng masasandalan

PoemsМесто, где живут истории. Откройте их для себя