Poem 34

582 5 0
                                    


"Binibining kung sino ka man "

Ang tulang ito ay alay ko
Sa babaeng makikilala ko
Sa takdang panahon
At kalimutan ang masakit na kahapon

Masakit na kahapon
Tuluyan na kakalimutan
Ang sakit na naipon
Itatapon at iiwan

Ikaw na makikilala ko
At mamahalin ko ng totoo
Sana di na maulit pa
Na ang babaeng mahal ko saktan ako ng todo

Binibining kung sino ka man
Pangakong hindi kita sasaktan
Mamahalin ka ng lubos
Pagmamahal kong hindi kapos

Binibining kung sino ka man
Handa akong maghirap
Sa anong mang kahirapan
Basta sa huli ika'y makamtan

PoemsWhere stories live. Discover now