Poem 93

241 6 2
                                    


Modernong Maria Clara

Siya ay isang dilag na ubod ng ganda
Suot ang matingkad niyang filipiñana
Babad sa kulay ng ginto at diamante
Tunay ngang siya ay nakakabighani

Sa paglipas ng mahabang panahon
Naging moderno na ang bawat taon
Nagbago na ang bansang sinilangan
Pati na ang mga taong naroon

Mapupulang labi dahil sa tinta
Ang mala-rosas na pisngi nila
Ang kanilang magagandang ngiti
Ay tinatabunan ng bakal na hapdi

Ang dating pananamit na konserbatibo
Ay labis na nag bago at naging moderno
Makikita mo ang kanilang pagbabago,
Sa tinatawag nilang Intagram at Facebook.

Marami na ngang nagbago sa bansang ito
Pero hindi mawawala ang pusong Pilipino
Naging moderno man si Maria Clara
Iibigin parin siya ni modernong Crisostomo Ibarra

PoemsWhere stories live. Discover now