Poem 38

470 5 0
                                    

"Di maintindihan"

Payapang kalangitan
Bumagyo dala ang malakas na ulan,
Dumilim ang paligid
Luha'y nangingilid

Sing lakas ng hangin
Ang bugso ng damdamin
Sing tigas ng bato
Ang pusong winasak mo

Magulong isipan
Binagyo ng kahirapan
Di maintindihan ang sarili
Walang kibo naging pipi

Nag aalab na galit
Buhawing naging sakit
Bumaha ng luha
Lungkot ng lawa ang nagawa

Walang masasabihan
Walang makakaintindi
Ng iyong mga galit
Problema at sakit

PoemsWhere stories live. Discover now