Poem 41

421 4 0
                                    

"Isang ngiti"

Natatago ng isang ngiti
Ang tunay na pighati
Akala ng iba
Walang problema

Natatawang galit
Naluluhang saya
Hanggang kailan magkukunwari
Habang buhay bang mag-aaksaya?

Kung sana lang mawala
Kung sana lang makuha
Mga dampi ng sakit
Sa iyong puso inuukit

May katapusan pa ba ito?
Ngiting ito magiging totoo?
Oh tuluyan nang lumabo
At ang ngiti ay tuluyang lumaho

Sisibol pa kaya
Ang masilaw na saya
O tuluyan nang dumilim
Ang itim na lihim

Ngiti lang kaibigan
Di pa tapos ang laban
Maging matatag ka
Para manumbalik ang iyong saya

PoemsWhere stories live. Discover now