Poem 97

185 2 0
                                    

Narito Kaibigan

May nagbabadyang ulan,
Ika'y maghanap ng masisilungan.
May nagbabadyang ulan,
Ika'y maghanap ng masasandalan.

May nagbabadyang ulan,
Ika'y ayos lang ba kaibigan?
May nagbabadyang ulan,
Kaya ko pa bang lumaban?

May nagbabadyang bagyo,
Sigurado akong kaya mo !
May nagbabadyang bagyo,
Maraming nandiyan para sa'yo.

May nagbabadyang bagyo,
Tanggaping mo ang totoo.
May nagbabadyang bagyo,
Kailangan mo nang magbago

Sisikat na ang araw,
Wag kang bumitaw bagkos ay kumapit.
Sisikat na ang araw,
Magiging maayos at mawawala ang pait.

Nandiyan ang Diyos para sa'yo,
Hindi ka niya iiwan sa kawalan.
Nandiyan ang Diyos para sa'yo,
Siya ang magpapasaya sa'yo.

Nandiyan ang Diyos para sa'yo,
Wag mong sayangin ang buhay mo.
Nandiyan ang Diyos para sa'yo,
May pangarap ka pang matatamo.

Narito kaming lahat para sa'yo,
Wag kang sumuko,
Narito kaming lahat para sa'yo
Magiging totoo sa'yo.

Narito kaming lahat para sa'yo,
Makikinig kami sa problema mo.
Narito kaming lahat para sa'yo,
Lalaban at sasama para sa'yo.

PoemsWhere stories live. Discover now