Poem 33

615 8 0
                                    


"Nakakatuwang isipin"

Nakakatuwang isipin
Nakakatawang gawin
Ang tumabi sa taong gusto mo
At kiligin ng todo

Hawakan ang kamay mo
Paglaruan ito at ilalapit sa puso
Napapangiti ka nalang minsan
Tibok ng puso mo'y siya naman

Nag-aaway na parang bata
Nagbabangayang aso't pusa
Pero magkakaayos sa huli
At mamahalin hanggang sa huli

Walang kibo kung minsan
Nagseselos na naman
Sinuyo ang kasintahan
Ngumiti sa kawalan

Nakakatuwang isipin
Kahit laging nag-aaway
Parating sinasaway
Sila parin; puso'y tumitibok ng walang humpay

PoemsWhere stories live. Discover now