Poem 44

379 4 0
                                    

"Sakit"

Napapa-isip ng malalim
Hindi alam ang gagawin
Nagsusumamong puso
Sakit sa damdamin hindi inaako

Nagbabagyong kalooban
Di alam ang katotohanan
Kung ikaw ay ayos pa
O tuluyan nang susuko na

Hindi masabi ang problema
Ang dinadamdam mo sa kanila
Ano na ang gagawin
Tinik ba'y kayang alisin?

Nagbabagyong isipan
Meron pa kayang hangganan?
Darating ba ito sa katapusan?
Matapos na sana at sakit ay iiwan

Napapaisip sa maaaring dahilan
Nagkukunwari ang puso at isipan
Wala nang magagawa ang karamihan
Dahil narating na ang sakit at hangganan

PoemsWhere stories live. Discover now