Poem 104

285 1 0
                                    

Minsan

Minsan naisip mo ba na gusto kita
Alam mo bang ika' y sadyang kakaiba
Dahil sayo lang nahumaling ng husto
Ang isang tao na katulad ko

Minsan naramdaman mo ba
Ang pag-ibig ko sa'yo sinta
Na araw-araw kong pinadadama
Ang pag-ibig kong itong kakaiba

Minsan nakita mo na ba ito
Itong mga mata kong pumupuso sa'yo
Itong labi kong ngumingiti dahil sa'yo
Itong pag-ibig kong lubhan totoo

Minsan naisip ko kung anong gagawin
Dahil sa'yo labis akong nahumaling
Kahit pagkagusto sa'yo ay di ko naisin
Walang magawa mahal kita mas malamim sa bangin

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon