Poem 51

317 7 0
                                    

"Jed"

Nais kong ibahagi sa inyo,
Ang kwento ng buhay ko.
Kung paano ako naging si Jed kumakailan,
Na ngayon ay Ian naman.

Dati akong si Jed,
Kasiyahan at kaligayahan ang batid.
Matatamis na ngiti ang suot lagi,
Mga tao'y sa pinatatawa siya parati.

Ako ang taong puro kalokohan,
Hindi rin mawawala ang katangahan.
Pero lubos kong hinangaan,
Ang taong sinabayan ako at pakisamahan.

Pero ang Jed na nabuhay noon,
Unti-unting naglalaho,
Bawat segondo nawala ang pagkakataon,
At tuluyan na itong nagbago na hatid ng panahon.

Ako na ngayon si Ian sa pagkakataong ito,
Walang magbabago at walang itatagao,
Ang dating pagkatao ko ay wala na,
Wala na at tuluyan nang pinatay nila.

PoemsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora