Poem 54

302 5 0
                                    

"Ang sakit"

Tuluyan ka nang iniwan,
Ng mga taong lubos kang sinaktan,
Napapahawak sa dibdib,
Dahil sa dala nitong sakit.

Ang masasayang ala-ala kasama sila,
Pinapangiti ka tuwing iniisip ito.
Ang samahang sila ang naglikha,
Tuluyan nang nawala at naglaho.

Masakit man isipin itong katotohanan,
Pero wala kang magawa dahil ika'y nasaktan.
Tingnan mo nalang sila sa kanilang pag-alis,
Habang ika'y naiwang tumatangis.

Ang hirap mang maging masaya,
Ang hirap mang tanggapin sa iyong diwa,
Mawawala rin iyang sakit na nadadama,
Magiging masaya ka tulad ng iba.

PoemsWhere stories live. Discover now