Poem 60

278 4 0
                                    

"Sila"

Pagod na pagod na ang iyong puso
Walang ibang nararamdaman kundi puot
May kasama ring sakit at lungkot
Kailan titigil iyong bangungot?

Pag gising sa umaga puso'y may kaba
Tibok nito'y puro takot at pangamba
Natatakot na isang araw ay mawala
Ang mga taong iyong kasama

Bangungot nga ba o katotohanan
Itong mga kaibigan mo na nasa tabi mo
Hanggang kailan sila nariyan
Hanggang kailan mo sila maasahan

Darating sa punto ng buhay mo
Malaking porsyento sila'y bibitwi sa'yo
Hindi ka na nila gustong makasama
O wala na sila sayong gana

Hindi mo alam kung ikaw ay masaya
Totoong ika'y ngumingiti't tumatawa
Pero totoo ba iyong ngiti at tawa
Kung kailaliman ng iyong emosyon ay malungkot ka?

Sa paglipas ng mga araw sa iyong buhay
Hindi mo alam ang iyong isusulat sa iyong talambuhay
Kung isusulat mo ba ang iyong nararamdaman
O ikikimkim ito magpakailanman

PoemsWhere stories live. Discover now