Poem 19 - Ikaw

831 11 0
                                    

Ikaw

Sa iyong ngiti
Nawawala ang pighati
Sa pusong kong hinati
Dahil sa ex kong lintik

Wala na akong nararamdaman
Sa taong ubod ng possessive
Dahil ikaw na ngayon
Ang iniibig ko na hatid ng panahon

Hindi ka panakip butas
Sa nararamdaman kong kumupas
Dahil ikaw ang dahilan
Sa pag-ibig kong nararamdaman

Sana mahalin mo rin ako
Tulad ng nararamdaman ko sayo
Hanggang dito nalang ba tayo?
Kaibigan ang turingan hanggang sa hangganan?

Sa tingin ko mabuti rin ito
Para walang masasaktan ng todo
Dahil sa pagkakataong ito
May ibang may gusto sayo

Ayoko siyang saktan
Kaibigan ko siya sa katotohanan
Pipigilan ko nalang
Itong nararamdaman kong kabaliwan

Magpaparaya ako para sa iyo
Oh di kaya'y sa kaibigan ko
Pero ito ang tatandaan mo
Mahal kita oh sinta ko

Kung pwede lang sana
Di ko na pinatagal pa
Itong bugso ng damdamin
Na pilit na kinikimkim at sa huli papatayin

PoemsWhere stories live. Discover now