Poem 91

230 6 1
                                    

Tayo

Tayo'y magkasama sa ilalim ng buwan
Nakatanaw sa malamig at madilim na karagatan
Magkahawak ang kamay walang bitawan
May dumating na delubyo mula sa kawalan

Magkasama sa pag-abot nga mga pangarap
Magkasamang tinahak ang landas ng hirap
Pero bakit tayo umabot
Sa puntong buhay ay puno ng sapot

Nagtatawanan sa ilalim ng narra
Tila walang problemang iniinda
Dumaan ka kasama siya
Puso ko'y napuno ng sakit at mukhang di maipinta

Parang kelan lang tayo'y magkasama
Sa ilalim ng buwan puno ng saya
Pero heto ka ngayon may kasama ng iba
Ako naman naiwang mag-isa

Mga lambingan at harutan
Hinding-hindi ko malilimutan
Ito'y mananatili sa puso kong sugatan
At iyong iniwan

Balang araw magiging masaya ako
Magiging masaya ako wala ka sa piling ko
Makakakilala ako ng taong magmamahal sakin
Ng totoo at ako'y walang humpay na iibigin

PoemsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora