Poem 66

270 5 0
                                    

"Punto ng Buhay"

Dadating sa punto ng buhay mo,
Na mag-isa ka nalang sa labang ito,
Ang dati mong kasamahan sa bakbakan,
Bigla ka nalang hinayaan at pinakawalan.

Kasama mo sila dati sa hirap at pighati,
Nandiyan sila sa'yo pag ika'y inaapi,
Pero darating ang panahon na kinatatakun mo,
Mawala sila na parang bula at biglang magbago.

Sa pagmulat ng iyong mata sa kasiyahan,
Puro saya ang nakita mo sa kanila,
Pero may mga taong masaya nung una lang,
Hanggang sa oras na ika't kanilang sinayang.

Talikuran ka man ng mga taong ito,
Iyakan mo man ang pag-alis nila,
Wala na itong magagawa sa'yo,
Dahil sinaktan ka nila at parang sementong giniba.

PoemsWhere stories live. Discover now