Poem 79

268 2 0
                                    

"Team Bobo"

Pinakamatatalino sa eskwelahan pinagsama,
Mga talentado at magaling nagkaisa.
Sama-samang tatahakin,
Ang landas ng pagkapanalo.

Masayang kwentuhan sa oras ng pagsasanay,
Walang tigil na tawanan at biruan,
Walang humpay na kasiyahan,
Ang kanilang nararamdaman.

Pagkakaibigan nabuo ng di inasahan,
Nagkaroon ng masiglang pagsasamahan,
Nagsama-sama ang mga loko-loko't tarantado,
Nabuo ang grupo kung tawagin ay Team Bobo.

Pagmamahal sa grupo ay talagang masisilayan,
Saya at tuwa ang bumabalot sa buong angkan,
Yakapan at sigawan ang naging resulta,
Sa pagkapanalo ng grupong mga tanga.

Totoong bago lang ang naging samahan,
Totoong di pa ganon katagal ang asaran.
Pero totoo ang nasisilayan,
Na sobrang kasiyahan.

PoemsWhere stories live. Discover now