Poem 24 - Bakit?

713 11 0
                                    

"Bakit? "

Bakit ganito
Sobrang nahihiya sayo
Sa tuwing makita ka
Ako'y nasa sobrang kaba

Isang damdamin
Ang hirap kimkimin
Sobrang hirap sabihin
Ang sakit rin isipin

Makita kang dumaan
Siyang pagtago sa taguan
Di mawari kung bakit
Ganito ba talaga ang sobrang sakit?

Bahala na nga ang sabi ko
Wala nang magagawa kung ganito
Basta't alam mo na kung ano
Ang uri ng pagtingin ko sayo

Mabuti na ngang ganito
Kahit papano ay alam ko
Na wala ngang pag-asa sayo
Puso kong nagmamahal ng totoo

PoemsWhere stories live. Discover now