Poem 36

518 6 0
                                    

"Dagat"

Ang langit ay dumilim
Ang dagat ay may tinagong lihim
Ang hangin ay tumahimik
Ang lupa ay hindi umimik

Kinimkim ng dagat
Ang sinabi ng habagat
Puot at galit
Ang kaniyang hinanakit

Namuo ang buhawi
Sa pusong nagsisisi
Ang luhang pinigilan
Bumuhos na ng tuluyan

Ang sakit na tinago
Ang hapding inako
Ang mumunting pangako
Itinali at sumuko

Mga panandaliang saya
Na sobra mong ikinasaya
Nawala ng lubusan
Labis na dinamdam

Mapagkunwaring dagat
Akala ng iba'y maayos
Habagat siya'y niyapos
Pait at galit hindi matatapos

Nagtatagong galit
Nagliliyab na puot
Umaalon ang luha
Nalulunod sa sakit

Walang magbabago
Walang titigil
Ito'y tatapos
Sa galit at sakit

Walang nakakaalam
Sa iyong nararamdaman
Masindak ka sa dagat
Sa pamamaalam na kaakibat

Ito na ang huli
Ito na ang katapusan
Ang kanyang naranasan
Mawawala na ng tuluyan

Bibitaw sa tali
Iiwanan ang sanhi
Mahuhulog sa dagat
Napatunayang hindi sapat

Sa pagtatapos
Hindi maaayos
Ang tuluyang nawasak
Ang pusong nabiyak

PoemsWhere stories live. Discover now