Poem 75

253 2 0
                                    

Paalam

Sa pagtatapos ng aking paglalakbay,
Kahit wala akong kasabay,
Sobrang masaya na ako,
Ito na ang aking huling yugto.

Salamat sa mga taong naging parte ng buhay ko,
Alam niyong mahal ko kayo,
Pero pasensya na kaibigan,
Ako'y nasa pwestong hulihan.

Lilisan akong nakangiti,
Para di kayo magdadalamhati,
Magpapaalam akong masaya,
Sapagkat sa puso ko'y kayo ay kasya.

Paalam na kaibigang dakila,
Pasensya sa talim ng aking salita,
Pero putang*na ka,
Ma mi-miss kita.

Pasensya na't pagod na ako,
Pasensya na't mahina na ang puso ko,
Durog na durog na ito,
Wala ng emosyong humihipo.

Sa mga oras na to di ko na alam,
Kung ano ang aking kahihinatnan,
Sana kung mabasa mo man ito,
Isa ka sa naging malaking parte ng mundo ko.

Pasensya na't maraming nagbago,
Pasensya na't nasaktan kita,
Pero pakatandaan mo,
Masaya akong nakilala kita.

Ito na nga siguro ang katapusan,
Ito na nga siguro ang huling kabanata,
Di ko malilimutan ating pinagsamahan,
Ako'y lilisan ng payapa.

--------------


PoemsWhere stories live. Discover now