Poem 100

225 1 0
                                    


Balewala


Sa ika-sandaang tulang ito

Balewala lamang ang gawang ito

Pag ang taong ginawan ko nito

Walang pakialam sa alay kong ito


Kay rami nang tula ang nagawa

Iba't iba ang kanilang paksa

May pagkakaibigan at may pagluluksa

May kasiyahan at pati narin sa sinisinta


Balewala lang ang lahat ng ito

Dahil ang pangunahing tao

Na nakapaloob sa tulang ito

Ay di alam ang nararamdaman ko


Balewala lamang ang lahat ng to

Kung ang mga taong naging parte nito

Hindi interesado sa gawang ito

Kahit ginawa ko ito mula sa puso


Inaalay sa iniibig kong tao

Inaalay sa kabigan kong loko-loko

Inaalay sa mga taong niloko

Inaalay sa mga sunod sa uso


Ang mga gawa kong ito ay mula sa puso

Sa bawat detalye at salita dito

Hindi man ginawang perpekto

Ramdam naman ang mensaheng totoo


Balewala man ito sa ibang tao

Sino ba naman ang interesado

Sa kagandahan ng Filipino

At kagandaan mga tulang ito

PoemsWhere stories live. Discover now