Poem 52

321 4 1
                                    

"Beauta"

Alay ang tulang ito sa babaeng ito,
Walang humpay ang pagmamahal ko dito.
Siya ang nag-iisang babae,
Na pinaka-kaibigan ko higit pa dati.

Kahit siya'y loka-loka,
Kahit dalawa ang likod niya,
Bukod tangi siya sa iba,
Dahil nag-iisang girl bestfriend ko siya.

Dumami man ang naging kaibigan ko,
Dumami man ang makikilala ko,
Siya at siya parin ang kaibigan,
Na mamahalin ko ng walang hanggan.

Dumanas man ng awayan,
Humantong man sa di pagpapansinan,
Susubukan paring susuyuin ito,
Dahil sa espesyal ang taong ito.

Matamis nitong ngiti,
Mga tawang walang pighati,
Sa kanya mo ito masasaksihan,
Sa kanya mo ito mararanasan.

Ang dami mang nagbago,
Ang dami mang nangyari,
Gusto ko lang malaman niya,
Siya lang ang bestfriend kong si "beauta".

-a poem for my girl bestfriend ❤

PoemsWhere stories live. Discover now