Poem 84

236 4 0
                                    

"Gusto"

Gusto kong malaman mo
Gusto kong malaman niyo
Gusto kong malaman ng lahat ng tao
Na ako'y nagpapakatotoo

Gusto kong ipagsabi sa lahat
Na ako'y isang simpleng lalaki
Na may malaking pangarap, bagamat
Maraming problemang hinaharap

Walang madaling abutin sa buhay
Isa lang naman akong simpleng lalaki
Di ganon karangya ang buhay estudyante
Pero may pangarap na gustong abutin

Gusto kong malaman ng lahat
Na ako ay hindi ganon ka ayos ang buhay
Marami akong dinaanang buhawi't kamalasan
Na hindi mo, niyo kailanman nakita at naranasan

Gusto kong maging maayos ang lahat
Para wala ng hirap ang pipigil sakin
Sa pag abot ng aking pangarap
At sa buhay aking minimithi

Depresyon lang ang meron ako
Alam kong malalampasan ko ito
Dahil ako'y isang lalaki
Isang lalaki na malapit ng ngumiti

PoemsWhere stories live. Discover now