Poem 30 - Bestfriend Na Totoo

585 6 0
                                    


"Bestfriend na totoo"

Kabigan kong loyal
Anong iyong isusugal?
Di ka na nga niya mahal
Magiging loyal ka pa ba kupal?

Naging totoo ka sa akin
Tinanggap mo ang galit kong kinimkim
Naiintindihan mo ako
Kahit di kita pinansin ng ilang segondo

Nakakatawang isipin
Napakasakit tanggapin
Na sayo pa nagmula
Mga salitang pumunit ng aking kaluluwa

Naiintidhan ko kayo
Dahil nagalit lang kayo at hatak ng emosyon
Patawad sa nagawa ko sa inyo
Dahil nalaman niyo naman ang totoo

Maswerte ako dahil nakilala kita
Isang pandak na lalaki
Kagwapohan nga siya,
Pero mas maingay sa babae

Maaasahan sa lahat ng oras
Handang makinig ano man ang problema
Laging nag-aalala sayo
Pag ika'y wala sa wisyo

Nag-aasaran minsan
Nagkakagalitan naman
Pero di natatapos ang samahan
Dahil laging nagpapatawaran

Turing ko sayo'y bestfriend
Sana yan rin ang turing mo sakin
Dahil ikaw ang nakakaunawa
Sa lahat ng aking mga ginagawa

Masaya ako dahil dumating ka
Masaya ako dahil nakilala kita
Ito ang tatandaan mo
Mahal kita gagong kaibigan ko

-To Meg

PoemsWhere stories live. Discover now