Poem 101

262 1 0
                                    


SKL: SAKIN KA LANG


Sa bawat ngiti mo ako'y namamatay

Binubuhay ang katawan kong matamlay

Pinapatibok ang pusong ko kasabay

Ng mga binti kong mukhang bibigay


Kakaiba ang nararamdam kapag kapiling ka

Kay raming paru-paro ang nasa puso

Hindi mapaliwanag ang nararamdamang ito

Ikaw nga ay talagang kakaiba sa kanila


Kung sana ay akin ka

Ang sarap isigaw sa mundo

Kung sana ay akin ka

Magiging buo ang araw ko


Kung sana ay akin ka

Magiging masaya ka sa piling ko

Kung sana ay akin ka

Hindi kita maloloko


Kay sarap isipin ang mga ito

Na kung sana ay akin ang katulad mo

Pero kay hirap abutin ang pangarap na ito

Walang pag-asa ang ikaw at ako


Pero ang sarap isipin ang mga ito

Na ika'y para sa akin at ako'y para sa'yo

Sakin ka lamang sana ay totoo

Wala nang a-agaw pa sa'yo


May nagmamahal sa'yo ng totoo

Nandito lamang paligid mo

Pinagmamasdan ka sa malayo

Iniisip, ako ba talaga ang para sa'yo


Sakin ka nalang kung pwede lang

Hinding hindi kita i-iwan

Hindi kita sasaktan

Pangako magpakailanman


Sakin ka lang kung pwede lang

Gagawin ang lahat ng paraan

Mapasakin at mapasaya ka lang

Ipaglalaban ka hanggang sa hulihan


Sakin ka lang, kung pwede lang

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon