Poem 42

401 4 0
                                    

"Puot"

Nagbabago ang lahat
Kahit ang di nararapat
Pero minsan ito'y dapat
Para maiwasan ang sakit na kumagat

Wala permanente sa mundo
Kahit mga simpleng tao
Sila rin unti-unting nagbabago
Dahil ilang ulit silang ginago

Walang naghihilum na sugat
Kung ito'y may ugat
Kung galit ang sangkap
Walang tigil ito sa pag angat

Nagiging emosyonal
Di alam ang gagawing asal
May makikita pa bang solusyon
O tuluyan nag sakupin ng emosyon

Walang tigil sa pag-iyak
Sigaw at bulyaw ang tanggap
Maari bang matapos
Pwede ring buhay ang matapos

Ang daloy ng emosyon
Walang pag-asang umahon
Malulunod sa lungkot
Lulubog dahil sa puot

PoemsWhere stories live. Discover now