Poem 25 - Kaibigan

718 13 0
                                    


Kaibigan

Ikaw ang taong nasa tabi ko
Sa mga panahong ako'y nagloloko
At sa mga paghihirap
Na aking hinaharap

Ikaw na naiintindihan ako
Ikaw na minamahal ko
Unti unting lumalabo
Paano na ating mga pangako?

Winasak mo ang puso ko
Sa mga narining kong pantig sayo
Sa lahat ng tao sa mundo
Ikaw lang ang gumawa sakin ng ganito

Nadurog kong puso
Mabubuo pa ba ng husto?
Kung ito'y nadurog
Sa mga masakit na salitang binitiwan mo?

Pero kahit hanggang sa ngayon
Kahit sinabihan mo ako ng ganun
Ikaw parin naman
Ang kaibigan kong kinakampihan

Sana'y maintindihan mo
Sana'y ako'y hayaan mo
Sobrang hirap ng ganito
Malaman mo ang totoo

Sa pagtatapos ng tulang ito
Wala na akong iba pang ipapangako
Kundi ang hanapin ang sarili ko
Mahalin ito ng totoo
At bubuoin ang puso kong ito
Na nadurog dahil sayo

PoemsWhere stories live. Discover now