Poem 87

212 3 0
                                    

"Ga-graduate Ako"

Ga-graduate ako kahit bobo ako
Wala mang laman ang utak ko
Di man ako natuto
Atleast masasabi ko ga-graduate ako

Walang tigil sa pagsigaw aming guro ko sakin
Ilang beses na 'kong pinagalitan at pinektusan
Pero okay lang naman sakin
Tarantado naman talaga ako sa kanilang paningin

Sinubukan kong mag-aral isang gabi
Matapos ang ilang minuto
Sa kakalipat ng pahina ng libro
Antok bigla akong inatake

Ga-graduate ako kahit tarantado ako
Basag-ulo man ako para sa mga guro
Bobo man ako para sa mga kaklase ko
Ga-graduate ako dahil gusto ko

Dumating ang finals ng aking eskwelahan
Ni isang katiting wala akong napag-aralan
Pero sobra akong nasiyahan
Katabi ko ang aming top one

Dumating ang resulta ng aming examinasyon
Lahat sila nagdiwang sa sobrang kasiyahan
Ako naman ito sa tabi
Pa-chill chill lang na parang ewan

Dumating ang graduation day namin
At kung su-swertehin ka nga naman
Ga-graduate ako ng naka-toga
At meron ding suot na medalya

Medalyang gawa sa tansan
Top one ang nakalagay sa harapan
Gawa ng mga kaibigan kong ewan
Na ginagawa akong baliw at timang

Ngayon naka-graduate na ko
Ang dating loko-loko at tarantado
Ngayon ay nakasuot ng polo na may kwelyo
Isa nang ganap na lisensyadong enhinyero

Ngayon naka-graduate na koAng dating loko-loko at tarantadoNgayon ay nakasuot ng polo na may kwelyoIsa nang ganap na lisensyadong enhinyero

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon