Prologue

10.8K 156 3
                                    

Circumsisa Asuncion-Guevarra is a seer. She can see the future through her visions. She dared not use it on other people and publicly as she is afraid they might endanger her family and herself.

Hindi biro ang makita ang hinaharap lalo na kung ito ay tungkol sa kanyang pamilya. She can predict their deaths as well as her own. Malapit na ang kanyang takdang panahon kaya dapat malaman na ng apo sa tuhod niya ang tungkol sa kapalaran niya.

"Apo, aba'y gising na! Tanghali na at tayo'y mag-aalmusal na." Gising ni Mamu kay Kace na pitong taong gulang pa lang.

"Mamu naman eh! Ayan tuloy nawala na yung panaginip ko." Sabi ng kanyang apo na tila naiinis.

"Halika at samahan mo akong mag-almusal at ikwento mo sa akin ang panaginip mo." Padabog na sumama si Kace sa kanyang lola.

"Wow! Tapsilog! Sarap naman! Sana sinabi mo agad na masarap ang ulam!" Naupo agad at kumain. Kahit kelan ang batang ito ay napakatakaw.

"Dahan-dahan at ika'y mabubulunan apo. Heto tubig."

"Salamat, Mamu. Alam mo ba ang saya ng panaginip ko." At ito mahilig magsalita na puno pa ng pagkain ang bibig.

"Tapusin mo muna ang pagkain bago mo ikwento iyan sa akin."

Iisa lang ang naging anak ko at iyon at si Celina na nagkaroon ng dalawang anak sa magkaibang lalaki. Ang panganay na anak niya ay si Karina tapos ang kasunod ay si Priscilla. Pinoy ang tatay ni Karina at Mexican naman ang kay Priscilla and both died before getting a chance to get married.

Anak ni Karina si Kace sa kanyang nobyo na manloloko at dahil doon ay umalis at nagtungo sa Amerika. Iniwang sanggol pa lang ang anak at minsan lang umuwi. Kace was a spitting image of her father and Karina's heart broke everytime she was reminded of her lover. Kasal na si Eduardo nang maging magkasintahan sila at nang mabuntis as iniwan siya nito.

My daughter and first granddaughter were not lucky to find love. According to my vision, Priscilla will find her prince but his prince was in love with a princess and she will need to wait until he is not in love with the princess anymore. My visions are not vivid and they appear as symbols or pictures. I had vision for Kace too that she needs to know before I go.

"Tapos na po ako,Mamu! Yung sa panaginip ko, may nakilala akong batang lalaki. Masaya kaming naglalaro sa playground."

"Alam mo ba apo na ang lalaki sa panaginip mo ay makilala mo sa takdang panahon?"

"Talaga po Mamu? Hindi po ba pwedeng ngayon para may playmates kami nila Ria at Mauricio?"

"Hindi pa ito ang tamang panahon."

Masyadong bata pa si Kace para maintindihan ang pangitain ko. This boy will change her life and I can' tell if it will be a happy ending. Visions are guides but they can change when you choose a different path.

"Bakit wala pa po si Mama Cel? Sana bumili siya ng maraming pagkain ihahanda sa kaarawan ko."

"Ay oo nga pala. Next week na ang iyong kaarawan apo. Sayang at hindi ako makakadalo."

"Ha? Bakit po? Saan kayo pupunta?"

"Malayong-malayo apo. Pero tandaan mo, mahal ka ni Mamu at babantayan kita."

"Ang drama ninyo naman pero mahal din kita, Mamu. Mas love kita kaysa kay Mommy."

"Maiintindihan mo din balang araw ang lahat." Naramramdaman ko na ang paghihina ko. Nagpaalam ako kay Kace na ako'y matutulog sa may tumba-tumba.

Nakita ko sa panaginip ko ang aking asawa na si Pacifico Guevarra at tila niyaya akong sumama. Ito na siguro ang oras ko. Suddenly we changed into our younger selves.

"Sisa, halika na. Matagal na kitang inaantay. Sabik na akong makasama ka dito sa paraiso."

"Paco, ako ma'y gusto na ding makasama ka." Hinawakan niya ang aking kamay at hinila palapit sa isang pinto.

"Mamu... Mamu... Gising na po." Narinig ko ang boses ni Celina.

"Paco hindi ko pa pwedeng iwan ang anak at mga apo natin."

"Sisa, nagawa mo na ang dapat mong gawin. Sila na ang bahala sa kanilang landas na tatahakin. Sumama ka na sa akin."

Patuloy pa din ang paggising ni Celina at Kace sa akin ngunit ako'y sumama na kay Paco sa kabilang buhay.

Namatay na si Mamu sa edad na 95 at kahit napagsabihan na ang kanyang anak at apo ay masakit pa din ang kanyang pagkawala.

Huling pangitain niya ang tungkol sa lalaki sa panaginip ni Kace. Tuwing pagsapit ng kaarawan niya ay mapapanaginipan niya ito pero hanggang kelan ba siya magiging panaginip lang?

Chasing Dreams (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora