Chapter Seventeen

2.8K 73 0
                                    


I'm going to make you mine,
It's not impossible,
Got to let you know,
I'm irresistible,
Baby can't you see,
You're the one for me

-It's the way you make me feel by Steps-

Thursday

Hindi pumasok si Chase. Asan kaya siya? Panay tawag ko at text pero walang reply. Hanubayen?

"Beks, asan na jowa mong hilaw?" Tanong ni Ria habang nasa break kami.

"Di ko nga alam eh! Hopefully bukas andito na siya."

I hope. Kasi if hindi masasaktan talaga siya sa akin kahit birthday niya!

Naisipan naming maglibot sa mall nila Maui at Ria para maghanap ng perfect cake para kay Chase.

"Grabe iba na talaga ang mundo ngayon. Lalaki na ang sinusuyo." Ria exclaimed while we were checking cakes bakeshop to bakeshop.

"Ouch!"

"Hoy Maria Clara! Wala nang family si Chase kaya as his nagmamalasakit na classmates ay dapat bigyan natin ng halaga ang birthday niya." Sagot naman ni Maui. Bait talaga ng badingerzi na ito!

"Labyo Mau!" Sabi ko naman.

"Oo na! Kayo naman di mabiro! Lipat tayo wala dito eh!"

Lumipat kami at may nakita kong strawberry cheesecake.

"This is the one!"

"Wow! Heart-shaped pa talaga?" Sabi ni Maui habang naka-dungaw kami sa may display.

"Pa-reserve na natin tapos daanan namin ni Maui bukas."

Inorder na namin yung cake at naghanap ng party hats at balloons.

Umuwi ako ng bahay expecting Chase pero wala siya. Saan na kaya yung kumag na iyon?

"Mama, birthday pala ni Chase bukas. Magluluto ako ng spaghetti ngayon. Sama po kayo?"

"Alam mo naman Fridays at Saturdays ay na kay Priscilla ako. Tulungan na lang kita. Pakisabi na lang happy birthday galing sa akin ha?"

"Oo naman at saka sasabihin ko ikaw nagluto nito. Mag-aassist lang naman ako eh! Thanks Ma!" Hinalikan ko sa pisngi si Mama.

"Saan ba kayo magpaparty?"

"Sa talyer po nila Chase."

"Huwag umuwi ng late ha? Di pwede ang inuman."

Gulp! Sorry Mama! Napainom na ako last time! Hihihihi!

Nagluto kami ni Mama ng spaghetti sauce at siya na lang raw magluluto ng pasta bukas. Dadaanan na lang raw nila Ria at Maui after school.

Kinabukasan...

Absent si Chase. Again. Text no reply and call out of coverage area. Oh no! Baka andon siya sa talyer the whole day or worst di siya sisipot sa birthday niya!

"Hoy beks! Gora na ba mamaya? Absent pa din siya eh." Ani ni Maui.

"Iyon nga eh. Pero go pa din. Pupuntahan ko siya sa condo niya."

Nagkibit balikat na lang ang dalawa. Bahala na mamaya! Sa sobrang dragging ng school ay tila gusto ko magcutclass para puntahan siya.

Saktong nag end ang class ay tumakbo na akong palabas ng school para kumuha ng taxi.

"Grabe. All the crazy things you do for love. Inlababo na yan kay Chase." Sabi ni Ria.

"Hayaan na natin Beks. Support na lang natin. Malay mo magbunga ang efforts ng lola mo at maging sila."
Sagot naman ni Maui habang nakadungaw sa 4th floor ng high school building.

Chasing Dreams (Completed)Where stories live. Discover now