Chapter Four

3.8K 87 3
                                    


Even though I know they're no good for me
It's the risk I take for the chemistry
With the bad boys always catching my eye

-Bad Boys by Alexandra Burke-

"That desperate huh?" He smirked. Antipatikong lalaking ito ha?!

"I want you to be safe. Hindi pa nga tapos sinasabi ko eh! Halika na nga!"

Pumanhik kami sa elevator at medyo pinagtitinginan kami ng tao. Bakit naman hindi kasi si Chase duguan at ako mukhang hinalay sa gulo ng buhok at damit ko!

Nasa tenth floor pala ang unit niya! Nangangalay na ako sa bigat ni Chase pero okay lang! Kahit bugbog na amoy gwapo pa din!

"Passcode is 1018." He said and tinype ko sa LED panel at bumukas ang pinto.

"October 18?" Tanong ko sa kanya habang papasok kami at tinitigan niya lang ako ng masakit.

"Okay lang if ayaw mong sagutin pero birthday ko iyon eh!" I said at napailing na lang siya. Inalalayan ko siyang umupo sa sofa tapos humanap ng towel at water para punasahan ang mukha niya.

Pumasok din ako sa CR at may nakitang medkit. Paglabas ko ay nakita ko siyang naghubad ng jacket at tshirt.

Goodness gracious great balls of fire!

Tulo. Laway. Pahid. Grabe ang hot ng katawan niya for a high school student. Abs? Saan niya nakuha yan? Ang braso niya? Sarap kagatin!

"You can stop drooling now and help me clean up." Wow, maid lang turing sa akin?

"Opo ser. Pasensiya lang at hindi ko inexpect na magstriptease ka." Inilatag ko sa mesa ang medkit katabi ng planggana. Pinunasan niya ang dugo sa mukha tapos nilagyan ko ng antiseptic. Meron siyang sugat sa kilay lang at nothing serious.

"Bakit ka pala binugbog ng mga lalaking yun?" Nagsasalita pala ang mokong na ito.

"Doesn't mean that I let you in here, you can start prying into my life."

"Nagtatanong lang naman eh." Inayos ko ang mga laman sa medkit at tumayo.

"Those guys lost money because I didn't race last Monday."

"Race? Karera?"

"Heard of drag racing?"

"Ahhh... Di ba bawal iyon?"

"Not if you don't get caught and besides it's good money." Pasaway talaga!

"Saan kayo nagkakarera pala?"

"Why would I tell you? So you can stalk me again?" He sneered. Ikaw na! Ikaw na ang gwapo kahit totoo naman! Kaasar!

"Hindi no! Curious lang ako!" May sasabihin pa sana ako nang tumunog ang cellphone ko at sinagot ko.

"Hoy babae ka?! Anong oras na at hindi ka pa umuuwi?!" Sigaw ni Mama Cel. Teka? Walang cellphone iyon ha? Chineck ko ang screen at nakita na Ria Maldita. Rrrriiiiaaaa! Kahit kailan pahamak ka talaga!

"Beks! Heard Mama Cel? Uwi kana! Bwahahaha!" Tapos pinatay ang tawag.

"Alis na ako tutal okay na naman." Bigla kong naalala na dapat ko siyang tanuningin.

"Hindi mo ba ako namumukhaan? Like from somewhere?"

"Yeah I know you...you're the one who stares at me all the time." Nyay! Busted! Alam niya na tinititgan ko siya?!

"Grabe ka naman! Sa window kaya ako nakatingin." Bakit hindi niya ako kilala? Bakit?!

"Are you sure? Like...like in your dreams?" I stammered.

Chasing Dreams (Completed)Where stories live. Discover now