Chapter Twenty Two

2.7K 66 1
                                    


You and me
We used to be together
Everyday together always
I really feel that I'm losing my best friend
I can't believe this could be the end
It looks as though you're letting go
And if it's real, well I don't want to know

-Don't Speak by No Doubt-

-Kace-

"Honey, I gotta run to the shop. I'll be back okay?" Tumango ako at hinalikan sa pisngi. Nanonood kasi ako ng anime sa TV niya.

"Nakakabagot naman oh! Ano kaya pwedeng gawin?" Naisipan kong pumasok sa kwarto ni Chase. Hihihi! Pakialamera ako ever!

Tiningnan ko mga damit niya sa closet at napansin na neutral colors lang like black, white or grey. Napaka-boring naman ng wardrobe niya! Hahaha!

Lahat ng damit niya ay puro branded at international brands. He was always wearing lace up boots. Isasara ko na sana yung closet niya nang may nakita ako.

It was an old and tattered shoe box and my interest was piqued.

Kinuha ko siya at binuksan.

It contained old baby photos of two baby boys both identical. Tila may kaba sa dibdib ko dahil sa nakita ko. Tiningnan ko bawat isa at nalaman na kambal pala sila.

Chase has a twin brother and he was the one in my dreams. Both were so different like night and day.

Ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi sinabi sa akin ni Chase. May right naman ako di ba? As his girlfriend?

May nakita pa akong isang photo na magkasama sila Chase, yung kambal niya at isang babae. Teka si Aria ba ito? Hala! I remember bumping into her the day of Chase's birthday noong lasing siya.

Then dumating si Chase and he blamed me for his brother's death. Alam ko nasasaktan siya pero nasasaktan din ako dahil di ko naman kasalanan ang nangyari.

I ran away crying and he didn't even follow me. I went to get a taxi at umuwi sa bahay.

"Oh Kace bakit mag-isa ka lang? Asan na si Chase? Teka umiiyak ka? Anong nangyari?"

"Mama... Hindi si Chase ang lalaki sa aking panaginip." Sabi ko habang patuloy pa rin na tumutulo ang luha ko.

"Di ba sinabi mo na iyon? Halika maupo tayo at ikwento mo sa akin."

Naupo kami sa sofa ni Mama at sinabi ko sa kanya ang nadiskubre ko at ang tungkol sa kambal ni Chase.

"Hayaan mo muna humupa ang galit ni Chase. Alam kong mahal ka ng batang iyon. It takes time to heal wounds. Masakit ang mawalan ng kapatid lalo na at kambal mo pa. May ibang connection kasi ang kambal compared to ordinary siblings." Alo sa akin ni Mama Cel.

"Pero di ba dapat hindi niya ako sisihin dahil di ko naman alam bakit nagsinungaling si Chad sa akin at pinilit si Chase na makipagkita sa akin."

"Oo pero poot at galit ang tanging nadarama niya ngayon kaya pati ikaw nasisi niya. We often blame others for the things we can't control. If ano man ang motibo ng kambal niya ay hindi natin alam. Give him space muna apo. He'll come to his senses."

Naiitindihan ko ang sabi ni Mama pero hanggang kailan ako mag-aantay? Knowing he is hurting there and I am here is driving me insane.

The next day ay bumalik ako sa school.

"Beks! How are you? Na-miss ka namin! Buti at natapos na ang delubyo sa buhay ninyo ni Chase!" Bati sa akin ni Maui.

"Uy bakit solo flight ka ata? Asan na ang jowa mo?" Sabi naman ni Ria habang papasok kami ng classroom.

Chasing Dreams (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora