Chapter Fourteen

3.1K 88 0
                                    

From the moment you looked at me
And ever since you called my name
You've been everything that I've seen
And know I'm caught up in this game

My mind is spinning round and around
There's something special I have found
Every time I close my eyes
All I can think of is you and me
Oh baby can't you see

-Everything that you do by M2M-

Napansin ko na hindi na ako hinahatid pauwi ni Chase sa bahay after school. Hhmmm... Something's fishy! Baka nagpapraktis nga siya para sa Buwan ng wika! Hihihi! Lagi ko siyang kinukulit pero todo iwas siya. Imbyerna ha?!

Pero okay lang kasi come Friday ay malalaman na namin. Sana nga manalo kami!

Buwan ng Wika at Ace Academy

May tatlong section ang bawat baitang kaya 12 contestants all in all. They were given 3-5 minutes to present their talent na anything Filipino related. As usual may nagfolkdance, kumanta ng kundiman, nagtula at etc!

Chase was the 10th contestant and he was nowhere to be found!

"Beks! Asan na ang bowakels mo bakit di ko siya ma-sight?" Tanong ni Maui habang tinitingnan namin ang crowd.

Nasa loob kami ng auditorium ng High School Department na newly constructed. Contestant number 8 na at wala pa din si Chase kaya nag-aalala kaming lahat.

"Wait tawagan ko ang mokong na iyon." Dinial ko ang number niya.

"Hello? Uy asan ka na? Number 8 na kaya!"

"On my way now. Bye." Pinatay niya agad ang tawag.

"Papunta na raw. Teka asan si Ria? Kanina pa iyon lumabas ah!"

Speaking of the she-devil ay dumating siya.

"Uyyy mga beks! I saw a hunky adictus looking guy kanina sa parking lot. He got my number!" Bungisngis ni Ria.

"Grabe akala ko softdrinks binili mo, lalaki pala!"

"Sobra ka naman! Heto mga drinks ninyo mga royal highness."

Katatapos lang contestant no. 8 and tinawag na ang contestant no. 9. Nakita ko sa may gilid ng stage ay si Jay na may hawak na gitara.

"Hayon ung guy na sinasabi ko oh! Si Jay name niya!" Tinuro ni Ria si Jay.

"Ay betsung ko beks! May pagka-addict ang epek! Grabe ang tattoo sleeve ha?" Sabi naman ni Maui.

"Ano ba yan ang mga tastes ninyo! Teka bakit andito siya?"

"Kilala mo siya?" Sabay na tanong nila Maui at Ria.

"Eh business partner iyan ni Chase eh!"

Hindi namin namalayan na tapos na ang contestand number 9 at tinawag na ang contestant no. 10.

Nang tinawag ang pangalan ni Chase ay biglang hiyawan ang female population ng high school department.

"Audience impact 100% na! Pak na pak!" Ria exclaimed.

He was wearing Raybans, a black leather jacket and rugged jeans. Si Jay nasa likod niya at may dalang gitara. Tila parang artista si Chase na kumaway pa sa mga fans niya.

"Ay hindi tayo Luz Valdez nito kasi ang mga thunders betsung si Papa Chase!" Maui commented and malamang kasi ang lakas ng appeal ni Chase.

Nagstart magplay si Jay ng intro ng Ligaya ng Eraserheads. Akalain mo marunong pala mag-gitara ang kumag na iyon?

Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?

The moment he uttered those words napahiyaw kami sa sobrang kilig! Shucks! Ang cute ng intonation niya!

Chasing Dreams (Completed)Where stories live. Discover now