Chapter Twenty Six

2.7K 64 6
                                    

I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul
You're the one I wanna chase
You're the one I wanna hold

-Beautiful Soul by Jesse McCartney-

-Kace-

Alam ninyo ang usual scene sa shower sa mg movie or teleserye? Yung nag-eemote?

Well, yan nga ang drama ko ngayon. It's my sweet sixteen pero masaya ba ako?

Yes, dahil finally nakapunta ako sa Baguio with my friends.

No, dahil wala ang taong pinakamamahal ko.

Chase. Ang lalaki na inakala ko na nasa panaginip ko.

Fate can be cruel or life can be a big joke sometimes.

Ever since my seventh birthday inasam ko na magkikita kami pero naudlot. Chad died. I met Chase instead and fell for him, only to be hurt in the process.

Sana naging panaginip na lang ito lahat. We were both hurting because of the twisted sense of humor fate has.

Charot! Hanudaw? Nosebleed.

Ah basta. I'm brokenhearted on my birthday.

Bakit lagi na lang sa birthday ko?

"Lord, thank you for another year pero sana magkaroon naman ng saysay ang kaarawan ko. Lagi akong minamalas eh."

Tiningnan ko ang pwet ko. Wala namang balat!

"Please please wish ko po ay maging masaya ang araw na ito at sana may magmamahal na sa aking tunay. Amen!"

Mabuti pala ang umiyak sa shower para di halata kasi nawashout na ang luha. Baka kapag nakita na naman nila beks ay malungkot na naman sila for me.

Lumabas ako ng cr at nagtaka bakit wala sina Maui at Ria. Asan ang dalawang iyon? Nakita ko ang watch ko at tila dalawang oras na ako sa may CR.

May nakita akong letter, paperbag at isang rose sa may higaan ko.

Happy birthday!
6 PM @ Cafe by the Ruins.

Binuksan ko ang paper bag at may laman na dress. It was long sleeved red bodycon dress. Malamig pero keri lang kasi I have the leather jacket Chase gave me.

"Ang sweet naman ng mga beksfriend ko! Talagang binilhan ako ng dress!"

May kasama pang peeptoe black heels!

"Taray complete get up!" Sinukat ko ang dress at natuwa dahil bagay sa height ko. I applied make up at lumabas na nang hotel.

Nagpatawag ang receptionist ng taxi at hinatid ako sa Cafe by the Ruins.

Pagdating ko ay walang tao kundi isang waiter.

"Hi good evening. We have a reservation here po." Sabi ko sa waiter.

"Good evening din po ma'am. Are you Miss Kara Guevarra?"

"Yes. Andito na po ba ang mga kasama ko?"

"Ah wala pa po ma'am pero maupo muna kayo. What would you like to drink?"

"An iced tea would be great. Thanks." Sagot ko naman.

I checked my watch at ala sais na pero wala ang dalawa. Ano na naman kaya ang tripping nila?!

I checked the restaurant and it has a nice ambience. Nagtataka ako kasi walang tao. Weird.

Chasing Dreams (Completed)Where stories live. Discover now