Chapter Sixteen

3K 76 0
                                    


You drive me crazy
I just cant sleep
I'm so excited, I'm in to deep
Ohh... crazy, but it feels alright
Baby, thinkin' of you keeps me up all night

-You drive me Crazy by Britney Spears-

Ang crush daw ay parang halaman na kung aalagaan mo at didiligan ay mamumulaklak.

Makata much?! Ewww!!!

Pero seriously, yan siguro ang nangyayari sa akin. My feelings for Chase grow with each passing day.

Yun tipong kahit yung pang-aasar niya hinahanap-hinahanap mo na.

That's why Rivermaya's song Adik Sayo keeps playing on my mind.

Sa umaga't, sa gabi, sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap hanap kita(2x)
Sa isip at paniginip, bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap hanap kita(2x)(haa..aah)

Hindi ko namalayan na hina-hum ko na pala ang song at nakatitig sila Maui at Ria sa akin.

"Hoy beks! Nasaang dimension na naman ka pumunta? Tila wala ka naman sa sarili mo?" Pukaw ni Maui sa akin.

"Sa Planet Chase yan pumunta. Adik Sayo talaga ha? Di ba pwedeng Lakas Tama ng Siakol? Mas fitting eh!"

Sabat naman ni Ria. Talaga and babaitang ito! Dami alam!

Andito kasi kami sa cafeteria dahil lunch break. Biglang dumating si Chase at bumili ng softdrinks, kumaway siya at napakaway din ako tapos umalis na siya. Buuuhbye crush!

Lakas tama
Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
Pag nakikita na kita
Lakas tama
Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
Pag nakikita na sinta

Hindi ko namalayan na kumakanta sa background ko ang mga kupal kong kaibigan.

Nalulungkot ako dahil simula ng Friday Night Kiss namin ay di na kami nag-uusap masyado. Tila nag-monthsary na yung kiss namin at di pa nasusundan! Hihihihi!

Haaaay! September na ngayon at di pa rin kami maka-move on... Ano kaya ang gagawin ko?

"Malapit na pala matapos ang September! Akalain mo 25 na sa biyernes... How many days til Christmas na ba?"

September 25?

Ano nga iyon?

Ay! Birthday ni Chase! I almost forgot!

"Beks! I need your help!"

"Ano ba na naman yan?" Sabay nilang tanong.

Maui."If pera yan d pwede offline ang ATM."

Ria: "If kagandahan, sorry tapos na magsabwag si Lord. Huli ka na."

Ako: "Di pa nga ako tapos eh!"

Ria: "If pag-ibig ni Chase, idaan mo sa landi kasi mukhang epektib."

Maui:"If di madala sa santong dasalan, idaan sa santong paspasan!"

Ria: "Wow naman Maui! Napaka-old school mo talaga. Vaklush ka...Eh di ba dapat mas malandi ka sa akin?"

Maui: "Excuse me... Hindi ako bakla! I'm a Dyosa trapped in a woman's body. Ako si Diyosa Cielo! Ikaw baklitang natrap sa mala-Boobang body!"

Ako: "Hep! Hep! Ano ba yan?! Puro landi na lang naririnig ko kaya tuloy nagiging malandi ako!"

Maui & Ria: "Beks of the same feather, lumalandi together!"

Ako: "Hay naku! Daming alam! Ang jujubis ng utak! Let's go back to our original agenda...birthday ni Chase sa September kaya need ko help ninyo."

Chasing Dreams (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora