Chapter Five

3.6K 67 0
                                    

Why do all good girls like the bad boys?
Like a moth to a flame, I guess I'm back here again.
Tell me why the dark side just captures my eye,
I know that you're a villain but I can't stop this feeling.

- Good Girls Like Bad Boys by Jadyn Maria-

He drove so fast that made me hug him tighter and I closed my eyes. Baka isipin niya sinasamantalahan ko naman siya pero nakakatakot kasi eh! Naramdaman ko na lang na tumigil na pala kami.

"You can let go now. We're here." He said and removed his helmet pero nakayakap pa din ako sa kanya. Binuksan ko ang mata ko at nakita na sa isang closed road kami tapos may mga lalaki at babae na may mga sasakyan. Tinitigan ako ni Chase kasi hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayakap sa kanya.

"Ay sorry! Ano ito Fast and the furious?"

"No. We don't have nitros here dummy. Just plain racing." Pilit kong bumaba at nangininig ang paa ko.

"Asan ang sasakyan mo?" Tanong ko habang inaalis ang helmet tapos inayos ko ang uniform ko.

"Dude, glad you made it. Who's that chick you're with?" Sabi ng isang lalaki na long hair with a lot of tattoes. In fairness kay kuya gwapo siya kahit mukhang drug dealer. Tiningnan lang ako ni Chase at nagshrug ng shoulders. Kupal ha? Hindi man lang ako pinakilala.

"My name is Kace and yours?" Inabot ko ang kamay ko tapos kinuha ni Chase. Ano ba yan? Bastos lang.

"Posessive? The name's Jay. Chase and I co-own an auto repair shop."

"Talaga? Bakit kayo nagkakarera pala?"

"Our bread and butter. Hahah! Just kidding! We just love the adrenaline rush, don't we Chase?"

Hindi siya pinansin ni Chase at pumunta sa sasakyan nila na ikakarera and he was the driver. I don't know anything about cars but I know it looks good.

"Ilan pala kayo magkakarera?"

"Just four. We usually have races once the coast is clear and winner gets all."

Mabuti pa itong si Jay at kinakausap ako. Si Chase naman kasi panay check ng sasakyan nang nilapitan kami ng tatlong lalaki na binugbog ni Chase.

"Nagpakita na pala ang ungas na ito." Sabi ng pangit.

"Whoa guys! Let bygones be bygones okay? Once Chase wins, you all get the money back double." Sabi ni Jay.

"Siguraduhin mo at baka upakan ka namin ulit. Tandaan mo na hindi ka pa bayad sa utang mo." Umalis ang tatlong pangit.

Utang? Anong utang? Akala ko mayaman si Chase?

May lumapit na lalaki na kamukha si Majin Buu at naniningil ng ipupusta.

"Got no cash here, Chase. I used the money for the new parts." Sabi ni Jay habang tinitingnan ang bulsa.

"Shit. Didn't I tell you that we can buy new parts after the race? We have no bet money!" Galit na sagot ni Chase.

"Maybe you can ask your girlfriend?" Sabi niya sabay lingon sa akin.

"Yeah... That's a frickin great idea."
Nilapitan ako ni Chase and held out his hand tapos tiningnan ko siya.

"Ano kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"I need five thousand pesos."

"Ano? Five thousand? Hoy! Limang daan lang pera ko dito noh!" Ano ako ATM na biglang magdidispense ng pera?!

"Asan na ang taya ninyo Chase?" Tanong ni Majin Buu tila naiinip.

"Dammit." Hinila ako ni Chase tapos itnulak kay Majin Buu.

Chasing Dreams (Completed)Where stories live. Discover now