Chapter Eighteen

2.9K 88 2
                                    

This is no ordinary love,
No ordinary love..
When you came my way, (my way)
You brightened everyday.
With your sweet smile.

-Urban Dub - No Ordinary Love-

Nang dumating kami ay nakita kong nagliligpit na sila.

"Uy teka teka! Tapos na magtantrums ang bata kaya party party na!"

Nakita kong nakatingin silang lahat kay Chase. Siniko ko siya.

"Uh... Yeah. Sorry about that. Thanks for the effort guys. I appreciate it. Shall we commence?" He smiled so wide na halatang pilit kaya siniko ko ulit.

"Daig mo pa ang babae, langya! Kanina pa ako gutom!" Sabi ni Jay sabay hagis ng balloon sa mukha ni Chase at natawa na lang ang kumag. Hay naku!

Nilatag namin ulit ang pagkain at nagsikain.

Nagsession ulit ang tatlo dahil tapos nang kumain. Bumibida naman si Ria na mala-Carol Banawa ang boses.

Pag akoy binibiro mo
Ang lahat ng yan saakiy totoo
Mga titig mo ay tumutunaw sa puso ko

"The spaghetti tastes great." Sabi ni Chase sa akin at natuwa naman ako. Naupo siya sa tabi ko ang inakbayan ako.

"Oo naman noh! Kami na ni Mama ang nagluto niyan."

Pag akoy nasa tabi mo
Ay kay lakas ng kaba sa dibdib ko
Ang hiling ko lang sanay malaman
Na ang puso koy sawa na sa biruan

"It was made with love then." He said and smiled.

Bakit di na lang
totohanin ang lahat
Ang kailangan koy paglingap

"Love love ka diyan! Magaling lang talaga kaming mga Guevarra."

Dahil habang tumatagal ay lalo kong
natututunang magmahal
Baka masaktan lang

Napansin ko na kinakantahan pala kami ng tatlong epal.

"Dedicated ba yan sa aming dalawa ha?"

"Bakit naka-relate ka ba ha?" Sagot naman ni Ria at nagbelat.

"TSE!"

"Totohanin na kasi. Pakipot pa eh!" Sabi ni Jay at natawa silang tatlo.

Inilapit ni Chase ang mukha niya sa akin at bumulong.

"Would you like to propose to me now?"

"Ako pa ang magpoprose sa iyo? Kapal mo ha?!" Pinahid ko sa mukha niya ang natirang cake ko.

"You're are so dead." Tumakbo ako papalayo bago pa siya maka-react at naghabulan kami. Naki-join na din ang tatlo hanggang lahat kami ay malagkit na ang mga mukha.

Niligpit namin ang pagkain after at saka naglinis sa mga kalat. Nauna ng umuwi sina Maui at Ria. Si Jay naman ay umalis na rin dahil may inuman sa bahay nila.

Inihatid ako ni Chase pauwi sa amin. Wala na naman si Mama Cel kay ako na naman mag-isa.

"Are you sure you're okay by yourself?"
Wow! Kelan pa naging concerned ito?

"Oo naman! Eto lagi set-up namin ni Mama kapag di ako nakakasama sa kanya kina Tita Prissy."

"Alright. Call if you need anything."

"Hmmm... Okidokies! Bye!" Tumalikod na ako at hinablot niya ang kamay ko tapos hinila ako palapit sa kanya.

"I enjoyed today. Thank you." He cupped my face and brought his lips to mine.

Chasing Dreams (Completed)Where stories live. Discover now