Chapter Thirty One

2.6K 62 0
                                    

I just want you for my own
More than you could ever know
Make my wish come true
All I want for Christmas
Is you, you yeah

- Mariah Carey - All I Want For Christmas Is You-

Christmas is in the air! Everyone is in a festive mood kaya kasama ko ngayon sa mall si Chase. It's two days before Christmas kaya may Mallwide Sale!

"I don't get it. Why didn't you do your Christmas shopping a lil earlier?" Reklamo ni Chase na bitbit ang madaming shopping bags.

"Kasi po may mega sale ngayon! Mas madami akong mabibili. Last na ikot na lang. Please honey?!" I pouted and as usual wala siyang magagawa.

Ang sarap ng feeling noh? Na lahat ng whims and demands mo naibibigay ng mahal mo.

"Halika kain muna tayo ng sundae!" Yaya ko sa kanya at naupo na kami sa Mcdo.

"Wait punta lang ako ng CR ha? Pahinga ka muna." Paalam ko sa kanya at tumango na lang siya.

Pumunta ako sa isang jewelry shop at tiningnan ang inorder ko na gift.

"Ma'am okay na po ba?" Tanong sa akin ng dispatchadora.

"Ang ganda! Perfect! Babayaran ko na po." Inabot ko ang pera ko na inipon ko galing sa weekly allowance ko.

Bumalik ako sa may McDo at nakitang may kausap na babae si Chase.

"Ehem... Excuse me. Sino po kayo?"
Sabi ko at napalingon ang babae sa akin.

Aria. Ang first love ni Chase.

"Oh Hi Kace! I'm Aria. Nice to finally meet you." Nagsmile siya sa akin at inabot ang kanyang kamay.

"Hi Aria. Nice to meet you too." Sabi ko naman at inabot ang kamay niya.
Tila nahiya ako sa magaspang kong kamay dahil sa kanya ay baby soft.

"I just dropped by to give him this. It's his favorite holiday treat."

Nakita ko may bag siyang inabot kay Chase at I felt jealous kasi mas kilala niya si Chase kesa sa akin. Ni hindi ko man lang alam yung favorite color niya at favorite "holiday treat."

"Well I gotta go. Happy Holidays." Nakipagbeso pa siya kay Chase at kumaway sa akin tapos umalis na. The nerve.

"Let's go?" Tanong ni Chase at tumango na lang ako.

Dala namin ang Cammy niya dahil marami kaming pinamili. Hati kasi kami sa mga gifts dahil sa amin siya magpapasko.

Hindi ako nakapagpigil at binuksan ang bag na binigay ni Aria sa kanya. May tupperware sa loob at nakita kong may Christmas cookies. May Santa, Reindeer, Gingerbread Man, Candy Cane at Snowman pa!

"Di mo sinabi na mahilig ka pala sa cookies."

"They're not ordinary cookies. They're Aria's Christmas cookies. It's special. Go on. Have a taste."

Kumuha ako ng gingerbread man at kinagat ang ulo sa sobrang inis. Oo masarap siya pero mas masarap sa akin! Hmmmpf! Gagawa ako ng aking version na Kace's Christmas Cookies!

"Poor Mr. Ginger. You ate his head."
Tumawa si Chase pero di ko pinansin.

"Hey hon. Why the long face? Is something wrong?"

"Wala." Tipid kong sagot.

Humanda ka Aria at tatalunin ko ang Christmas cookies mo!

Nakarating kami sa condo niya at 1018 ulit ang password niya. Dapat lang noh!

Ipinasok ni Chase ang lahat ng pinamili namin at magsisimula na kaming mag-giftwrapping session!

Nakauwi kami sa unit niya ng 6PM and it's now 9PM at hindi pa kami tapos. Grabe! Nanonood kasi kami kaya nadidistract at di matapos tapos!

Chasing Dreams (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon