Chapter Twenty

2.8K 101 0
                                    

You should let me love you
Let me be the one to give you everything you want and need
Good love and protection(protection)
Make me your selection(selection)
Show you the way love's supposed to be

-Let me love you by Mario-

Ipinamalita ko na kina Maui at Ria ang gift ni Chase sa akin at excited na ang mga beks!

Isang linggo na lang at birthday vacation here we come! Two days kaming aabsent sa school at so far so good ang mga grades namin kaya pinayagan kaming tatlo.

Nagplano na kami ng mga itinerary namin like going to Burnham Park, Butterfly garden at Camp John Hay.

Lunch break at naglalakad kami nila Maui at Ria papuntang cafeteria ng hinarang kami nila Ryan Mayabang.

"Hi Kace. Balita kayo na raw ng Amboy na yong si Chase?"

"Oo at bakit?!" Sagot ko naman.

"Hamak naman na mas gwapo ako at mas mayaman sa ungas na iyon."

"Yaman sa kayabangan siguro! Paki mo if sila ni Chase ha?" Sabat ni Ria.

"Shut up Ria. Hindi kita kinakausap. Ano Kace? Bakit di ka makasagot? Akin ka na lang okay?"

"Wala akong paki if taong grasa pa si Chase eh mas gwapo at mas astig pa rin siya sayo! Ayoko sa iyo! Tse!!!"

"Aba talagang pakipot ka ha!" Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit.

"Bitawan mo ang beksfriend ko!" Hinampas ni Maui ng libro si Ryan tapos tinulak ng isang tropa ni Ryan si Maui.

"Hoy! Huwag kang papatol sa babae langya ka!" Hinagis ng libro ni Ria ang tumulak kay Maui.

"Eh di naman yan babae eh! Bakla! Bakla!" Sabi ni Ryan at nagtawanan silang lahat.

"Masasaktan ka talaga sa akin, Ryan eh!" Tinapakan ko ang paa ni Ryan gamit ang killer heels ko.

"Shit! Aray!" Binitawan ako ni Ryan at tumakbo na kami.

Nakarating kami sa classroom at kadarating lang ni Chase tila tumakbo din dahil hinihingal.

"What happened? What did he do to you?" Hinawakan ni Chase ang kamay ko.

"Okay lang ako pero si Maui tinulak nila."

"You okay Maui?" He asked.

"Oo pero sinaktan nila ako! Physically and emotionally! Pupunta ako sa guidance counselor mamaya! Humanda sila sa akin." Nakita naming naluluha na si Maui.

"No worries. I'll handle them." Lumabas si Chase at tumakbo ako para habulin siya ngunit sinundan kami nila Ryan. There were three of them and Chase was the only one.

"Eto na pala si Chase Scott. Ang pinagmamalaki nila. Kung babasagin ko kaya ang mukha mo ano ka na lang?" Tapos ngumisi ang dalawang kasama ni Ryan.

"Tss." Napatawa na lang si Chase dahil kung sa katawan lang naman ay walang-wala na si Ryan.

"Talagang hinahamon mo akong gago ka!" Sumugod si Ryan at sinuntok si Chase na nakaiwas naman.

"Ryan!!! Huwag!!! Chase!! Oh no!!!"

Lumapit na rin ang dalawang kasamahan ni Ryan. Tila parang action star si Chase ngunit di niya talaga kaya ang tatlo.

Nagsilabasan na ang mga estudyante at instead na tumulong para umawat sa apat ay nagcheer pa!

"Go Chase!"

"Papa Chase ilag!"

"Chase! Chase! Chase!"

Chasing Dreams (Completed)Where stories live. Discover now