Chapter Forty Five

2K 50 0
                                    

The boy is mine.

You need to give it up.

Had about enough.

It's not hard to see,

the boy is mine.

I'm sorry that you

seem to be confused.

He belongs to me

the boy is mine.

-The Boy Is Mine by Monica and Brandy-

-Kace-

Umuwi ako sa bahay at nakita kong galak at gulat sa mga mata ni Mama Cel. Nang niyakap niya ako nang mahigpit ay di ko napigilang humagulgol sa sobrang sakit ng mga pangyayari.

"Tahan na apo. Aba kakakita lang natin at kung umiyak ka tila namatayan ka." Biro ni Mama Cel.

"Ang sssakkit sakit po kassiii..."

"Eto panyo. Sabihin mo sa akin."

Inabot sa akin ni Mama ang panyo niya at pilit kong pigilan ang umiyak.

"Sssii Mommy po... She lied to me. You know why I was adamant to go with her?" Napailing si Mama at nagpatuloy ako.

"Sabi niya sa akin may cancer siya kaya sumama ako. Pinilit ko siya na sa sabihin sa inyo ang karamdaman niya pero puro lang pala kasinungalingan. Dalawang taon, Ma. Niloko niya ako!" Nagulat at dumilim ang expresyon sa mukha ni Mama Cel.

"Paano mo nalaman?"

"Noong birthday ko pumunta ako sa flat niya at narinig silang nag-uusap ng kakontsaba niyang doctor. Pinaniwala niya ako na may sakit siya!"

"Kahit kailan napakawalang kwenta talaga yang si Karina! Di ko mapapatwad ang ginawa niya!" Galit na sambit ni Mama.

"Eto pa... Umuwi din ako thinking Chase will be surprised pero ako pa ang nasorpresa nang nakita ko sila ni Veronica sa condo niya. Di niya ako inantay... I hate him!"

"Veronica? Papano nangyari iyon eh lumuwas nga siya ng Amerika para magpropose?" Nabigla ako sa narinig ko.

"Ttalaga? Pero bakit? Sila na ni Veronica sabi niya..."

"Halos iisang buwan na di pumunta si Chase dito iha. May nangyari ba?"

"Di po kami nagkita eh. Pumunta siya sa apartment ko pero di ko naabutan."

"Akala ko magkakatuluyan na kayo iyon pala sa ibang babae na siya nahumaling." Malungkot na sagot ni Mama Cel habang niyakap ako.

"Manloloko silang lahat!" I seethed.

After three hours pa akong kumalma at naisipang tawagan ang beksfriends ko. Wala pang thirty minutes ay nagsidatingan na ang dalawa.

"Is it really you? Am I dreaming?" Tanong ni Maui at hinagod ako ng tingin dahil mas matangkad na ako sa kanya.

"In the flesh, beks!" I opened my arms tapos niyakap ako ni Maui ng mahigpit at nagsisigaw.

"Oh my gosh beks! Namiss talaga kita!" Maluha-luha niyang sabi sabay yakap ulit sa akin.

"Uy anong kadramahan iyan? Asan na ang pasalubong ko. Yung Mac make ups, VS panty set at yung Lacoste na perfume?" Sabat naman ni Ria.

"Wow! Is that how you treat your long lost friend?" Sabi ko sa kanya.

"Hay naku! Mas inuna pa ang pasalubong kesa bumati kay beks!" Yamot na sagot naman ni Maui.

"Tse! Kayo ba naman di mabiro! Come give me a hug!" Lumapit ako at niyakap ng mahigpit si Ria.

Chasing Dreams (Completed)Where stories live. Discover now