Chapter Forty Nine

2K 66 5
                                    

I still believe

Someday you and me

Will find ourselves in love again

I had a dream

Someday you and me

Will find ourselves in love again

Each day of my life

I'm filled with all the joy I could find

You know that I

I'm not the desperate type

If there's one spark of hope

Left in my grasp

I'll hold it with both hands

It's worth the risk of burning

To have a second chance

-I Still Believe by Mariah Carey-

Sometimes we are not lucky to be given a second chance at love. Eto na kaya ang way para magkabalikan kami ni Chase or I will go home in tears with a broken heart again?

Whatever happens... I must save him.

Even if it means breaking my heart in return.

The very next day ay nagbook agad ako ng flight pauwi ng Pilipinas. On hold muna ang iba kong projects kaya badtrip si Matt sa akin pero I told him "family emergency" kaya kailangan kong umuwi agad agad.

Hindi ako nakatulog ng maayos sa eroplano kaya mainit ang ulo ko.

Iba't ibang scenario na ang iniisip ko kung paano ko haharapin si Chase.

The moment we landed in NAIA ay nagtaxi agad ako papunta sa bus station going to Sta. Ana.

Habang nakadungaw ako sa bintana at nag-iisip paano ko isasagawa ang Oplan: Sagip Chase Program ay binuksan ni Kuya Driver yung radyo.

Ikakasal ka na

Iiwan na akong nag-iisa

Dati ang pag-ibig mo ay akin lamang

Hanubayen! Sa dinami-dami ng pwedeng iplay na kanta ay iyan pa?!

"Ah eh Kuya, pakilipat po ng estasyon..." Tapik ko sa drayber at napatingin sa akin sa rearview mirror.

Ikakasal ka na

Paano na itong puso ko

Bakit ang damdamin mo ka'y daling magbago

"Paborito ko po kasi si Jessa Zaragosa eh... Bakit po ma'am nakakarelate ka po ba?"

Aba aba! Sumasagot pa tong kumag na ito!

"Wala ka na doon po kuya. Magmaneho na lang po kaya kayo?"

"Tsk tsk ke ganda mong babae iniwan ka... Ikakasal na ung ex mo noh?!"

Leche! Intrigero pa! Kaasar!

"Kuya masakit yung ulo ko dahil galing ako sa flight kaya wag ninyo pong dagdagan?!" Pagtataray ko sa kanya.

"Sungit. Kaya pla iniwan." Bulong niya sa sarili niya.

"Narinig ko po iyon!"

Mabuti na lang tumahimik na ang kumag na driver at nakarating na ako sa bus station.

After two hours ay finally nakarating ako sa may Sta. Ana. I was so in a hurry na hindi na ako nakakain at dahil may deadline ako ay dumiretso na ako kay Chase.

Chasing Dreams (Completed)Where stories live. Discover now