Prologue

1.1K 19 4
                                    

Alam kong kapag namatay ako ay may iiyak. Sila ang mga magulang ko. Ako lang ang mahalaga sa kanila dahil anak nila ako. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko ay wala akong value. 'Yung tipong kapag namatay ako ay madali akong makakalimutan dahil halos wala naman akong ginawang maganda sa buong buhay ko. Isa na lamang akong ala-ala kapag namatay ako. Hindi tulad ng iba na maraming ginawang boring sa buhay. 'Yung tipong sa buong buhay nila ay hindi sila gumawa ng masama dahil pagtulong sa kapwa ang nasa-isip nila. Sobrang boring ng ganung buhay. Walang excitement. Walang habulan o away. Tapos magsusunog ng kilay sa paaralan na halos sumabog na ang utak sa kakaisip ng gagawin.

Life is so short. Bakit kailangan mong pahirapan ang sarili mo? Bakit hindi ka na lang mag-enjoy habang buhay ka? Bakit kailangan mong pahirapan ang sarili mo sa wala. Sa hukay din naman ang bagsak natin kaya bakit pa?

Hanggang sa marami akong nakitang masasayang tao. Sila daw 'yung nagsakripisyo muna bago nakuha ang kaligayahan. Sila 'yung once naging boring at ngayon ay puno ng excitement. Hindi ako naniwala doon. Dahil puno ng excitement ang buhay nila sa umpisa pa lang. Nakipagdigma sa hanap buhay at pag-aaral, nakipagsapalaran sa hindi sigurado kung may mapupuntahan. Pero ang sigurado ay kapag nakapasa sa pag-subok ay makakapasok sa magandang kinabukasan.

Ang paniniwala ko ay wala kang magagawa. Wala kang choice kundi bumangon dahil 'yun lang ang tanging pag-asa. Kahit pa sabihin nila na 'kaya mo yan!' Wala kang pagpipilian kundi kayanin kaya baliwala din. 'Yung tipong kahit walang advice na marinig ay makakabangon ka parin dahil tumatakbo ang oras. Hindi naman titigil ang oras kapag sinabi mong 'suko ka na' at aandar uli kapag sinabi mong 'pagpapatuloy ko ang buhay!' Dahil walang magic.

Isang araw. Napatunayan kong ang pagbangon ay ginagawa. Ang pagbangon ay hindi lang literal na tatayo ka kapag nadapa ka. Ito ay determinasyon na kapag nadapa ka sa isang paligsahan ay hindi ka agad susuko. Babangon ka at tatakbo kahit matalo. Napatunayan kong ikaw mismo ang magpapasya kung babangon ka o hindi. Dahil kung susuko ka agad kahit hindi pa tapos ang laban ay magsisimula ka uli sa umpisa at aandar na naman ang maraming oras para makarating ka sa lugar kung saan ka nadapa. Natutunan kong ituloy na lang ang buhay at bumangon para hindi ka umulit sa umpisa.

Game over and go back to start? No, I'll continue the game.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now