58.

50 2 0
                                    

Isang buwan din kaming hindi nagkita ni Rosen pero ngayon ay naglalakad ako. Nakatingin siya sa'kin. Mula nang magkakilala kami ay ayoko nang mawala siya sa paningin ko. Pero natiis ko ang isang buwan na hindi kami nagkita dahil alam kong habang buhay ko na siyang makakasama. Gusto kong umiyak ngayon pa lang. Dahil pagkatapos ng kasalan na ito ay mag-iiba na ang takbo ng buhay ko.

Hanggang makalapit ako sa kaniya. Napansin ko ang mga tao. Ako ang bida ngayong araw na ito. Dahil ako ang ikakasal. Kahit may sari-sarili silang buhay na sila ang gumaganap na bida ay hindi mawawala ang isang araw na maging bida ka. Lalo kapag-kaarawan mo. Hindi ko nga lang dama ang pagiging bida kapag-birthday ko. Pero iba ngayon. Feeling ko'y isa akong bida sa pelikula na ang papel lang ng mga tao sa paligid ay extra lang para mapuno ang simbahan. Ganito pala ang feeling. At ang katabi ko ngayon ay ang leadingman ko. Si Rosen. Nakangiti siya sa'kin na feeling ko--nararamdaman din niya ang nararamdaman kong pagkasabik sa kaniya. Hanggang sa inanunsyo na ng Pari ang.. "You may kiss the bride."

Hinalikan ako ng Rosen ng buong puso sa harap ng maraming tao. Ito 'yung sobrang malaya na kaming gawin ang gusto namin. Wala nang hahadlang na tao at kasalanan dahil kasal na kami. Nagtataka lang ako kung bakit hindi si Maico ang nakasalo ng bulaklak at si Waine ang sumalo ng isa.

Akala ko parang pelikula na ang buhay ko. 'Yung tipong mga bestfriends namin na best man at maid of honor ang sasalo ng bulaklak at sila naman ang susunod na ikakasal. Pero totoong buhay nga pala 'to.

"Higher!" Request ng mga tao habang isinusuot ni Waine sa hita ang garter na nasalo niya sa maid ng nakasalo ng bouquet na hinagis ko.

Nakangiti kaming lahat dahil mahalagang kaibigan ni Rosen si Waine. Kaya napatingin ako kay Maico kung ano ba ang reaksyon niya sa nangyayari. Pero bakit nakasimangot siya? Kinalbit ko si Rosen. "Tignan mo si Maico." Napatingin kami kay Maico. Nakita ko ang kakatuwang reaksyon niya. Kulang na lang kasi ay ambaan ng suntok ni Maico si Waine. Wala naman sigurong masama pero ngayon ko napag-isip isip na baka may kakaibang nararamdaman si Maico kay Waine. Bukod kasi sa lagi siyang naaasar dito ay ayaw niya itong paalisin sa kumpanya. Natawa ako sa isipin na 'yun. Kung totoo na may gusto siya kay Waine ay hindi ko inaasahan 'to. Pero totoong buhay ito na hindi sila magkakatuluyan dahil bestfriends namin sila. Pero totoong buhay ito na hindi nasusunod ang mga pamahiin na kung sino ang mga makakasalo ay sila ang magkakatuluyan. Imposible naman na makatuluyan ni Waine ang pinsan kong 'yun. Parang may tinatago nga yata siyang boyfriend.

Hanggang matapos ang lahat. Nang makapunta kami sa reception ay kaniya kaniya na kami ng mundo. Oo, kami ang bida sa araw na ito pero sila parin ang bida sa mga buhay nila. Kaya alam kong walang sinuman ang pwedeng gumanap na bida sa totoong buhay. "Binabati ko kayo." Nakangiti sa'min si Tita Paulina.

"Salamat Ate.." Nagyakap sila. Niyakap ko din siya pagkatapos.

"Alam niyo ba na ordinaryo lang kayo? Hindi porke nakahiwalay kayo sa mga magulang niyo ay hindi na kayo makikisama."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Nakangiti ako. Alam kong siya ang tumatayong advicer ni Rosen. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sa kabila ng ugaling pinapakita ni Rosen ay kilala niya ang Diyos.

"I know, Ate." Rinig kong sagot ni Rosen. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Rosen pero sa ngayon ay hindi kailangang madaliin ang lahat dahil habang buhay na kaming magsasama.

"Ituring mong magulang ang magulang niya." Sabi uli ni Ate Paulina kay Rosen at itinuro ako. "Ang magulang mo'y magulang mo na oras na makasamaan mo ng loob ay mananatiling magkadugo kayo. Kaya sensitibo ang mga byenan niyo. Alam ko naman na alam na din nila ang gagawin pero gusto ko lang ipaalam sa inyo na kailangang kayo ang makisama. Kung may hindi kayo nagustuhan sa pasya ng inyong byenan ay pagpasensyahan niyo na. Oras na makasamaan niyo ng loob ang byenan niyo ay siguradong malalayo ang loob niyo dito dahil hindi niyo sila kadugo."

Tama nga. Magaling nga siyang mag-advice. Napansin ko si Rosen na nakikinig lang. May alam din ako sa mga ganiyan pero iba pala kapag siya na ang nagsalita. "Kaya malilimutan niyo ang mga araw na magkasundo kayo ng byenan niyo oras na magkasamaan kayo ng loob. Kayo na ang umunawa dahil mga Anak kayo. Iba ang pag-aaway ng totoo mong magulang kaysa sa pag-aaway niyo ng byenan. Ibang usapan na kaya hangga't maaari ay ayokong magkakasira ang mga Pamilya niyo. Iwasan ang mataas na pride. Isipin ang pakikisama. Oras na malampasan niyo ang unang bahagi ng pakikisama sa byenan ay magiging mas maayos na kayo dahil higit na sa isang kadugo ang magiging relasyon niyo. Pwede na kayong mag-away na parang isang magulang at Anak. Alam niyo bang maraming mag-asawa ang naghihiwalay dahil lang sa samaan ng loob sa byenan? Malaking impluwensya ito sa inyo. At ang pag-aaway o samaan ng loob ay hindi maiiwasan dahil walang taong perpekto. Pero kaya nating tiisin ang sama ng loob para lang maging masaya ang Pamilya natin. Hindi porke kaya niyong tumayo sa sarili niyong paa ay wala nang kinalaman ang mga magulang niyo. Pakisamahan niyo ang isa't isa hangga't maaari."

Ngumiti siya sa'kin. "Maraming salamat po, Tita Paulina." Nginitian ko din siya.

"Alam mo iha, alam ko naman na mabait ka. Pero may kaniya-kaniya kasing ugali ang mga babae." Tumawa siya. Naalala ko si Mommy. Baka makaaway niya si Rosen. "Ang Mommy ni Rosen na si Madam Rose ay napakabait din. Kaya walang magiging problema sa inyo. Ang inaalala ko lang ay ang mga bagay na baka hindi kayo magkaintindihan. Kaya ikaw na ang bahalang umunawa."

Nakangiti parin ako. Mabuti na lang ay sinabi niya. Napatingin ako kay Rosen. Napasimangot siya. Niyakap ko siya. Ito na ang hinihintay ko. Ang ipakita sa mundo na mahal na mahal ko siya. Naiwan kaming kasama si Maico at Waine. Napansin ko ang pagtitinginan nila.

"Narinig mo 'yung sinabi ni Ate Paulina ah." Biglang sabi ni Waine kay Maico. "Kaya 'yung Mommy ko pakisamahan mo." Nagtawanan kami.

Biglang kinuha ni Maico ang kutsilyo sa lamesa. Kinwelyuan si Waine. "Bakit ko naman gagawin 'yun? Miski nga sa alaga mong gagamba--wala akong pakialam."

"Teka Muna, Maico, huwag mo akong papatayin, mamahalin pa kita."

Oh my god. Nagtawanan kami. Hindi ko alam kung nagbibiro lang si Waine o talagang totoo 'yung sinabi niya. "Maico, wala kang pakikisamahan dahil wala na siyang Mommy." Tumatawang sabi ni Rosen.

"Hoy isa ka pa!" Pinagkakaisahan nila si Maico pero nagtataka ako kasi hindi naman seryoso si Maico dahil alam kong nagwawalk-out siya basta masama ang loob.

Hindi parin nagbago ang closeness nila ni Rosen. Excited na ako sa mga darating pang araw. Napagpasyahan ni Rosen na sa mansyon tumira. Totoong buhay naman 'to na hindi kailangang sa bahay ng lalaki ako tumira. Pwede naman siguro na hindi na kami magpatayo ng bahay dahil meron na naman. Kaya paminsan minsan ay magkikita sila ni Mommy. Mabuti na lang ay hindi ko na kailangan pang sabihin kay Rosen ang mga dapat gawin dahil sinabi na ni Tita Paulina.

Unang gabi namin na magkakatabi sa higaan ay nakausap pa niya si Tita Paulina sa phone. "Opo, Ate." Narinig kong sagot ni Rosen. Alam kong may ipinapayo na naman ito. "Ate, gusto kong maniwala na ikaw talaga ang totoo kong Nanay."

Narinig kong tumawa siya. Alam kong si Tita Paulina ang nagpalaki sa kaniya kaya alam kong parang magulang na siya ni Rosen. Hanggang ngayon ay pinapapasamat ko sa Diyos ang lahat. Sana kung may pagsubok pa Siyang ibibigay sa'kin ay hindi maging dahilan ang pagsubok na 'yun para mawala ang lahat. Hinding hindi ako tatalikod sa Kaniya kahit anong mangyari.

Expect The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon