13.

400 8 0
                                    

Excited tuloy ako sa lunch dahil makakasabay ko si Rosen. Laging si Maico lang ang kasabay ko pero bakit nga ba hindi ko siya sabayan araw araw? Pwede naman 'yun dahil hawak ko ang oras ko. Dumaan na ako sa office ni Maico. Tumingin lang siya ng pumasok ako. "Let's go!" Sabi ko.

"Maaga pa."

"Sabayan natin si bakla."

"Sabi mo ayaw mong marami tayo." Tuloy lang siya sa trabaho.

"Bakit ba nakakulong ka?"

"May tinatapos ako."

"Mamaya na 'yan. Gusto ko lang makita si bakla habang nililibre si Rosen."

Tumayo agad siya. Inayos ang mga papeles na nakakalat sa lamesa niya. Akala ko, babarahin na naman niya ako eh. "Let's go." She said.

Ito ang oras ng lunch. Sabay sabay lahat kaya mas gusto kong nahuhuli kami. Hindi naman masisi ang mga gutom na tao kaya nagsasabay-sabay talaga. Nakita ko na ang mga janitor. Pero ang isa sa hindi ko inaasahan ay nag-ring ang phone ko, may tumawag sa'kin. Si Jordan. "Hi baby, I'm here. Naglalakad sa lobby. Where are you?"

Oh my! Maya maya lang kasama ko na si Jordan. Binigla niya ako. Gusto niya palang sumabay sa'kin maglunch. Free time niya at ang oras na 'yun ay gusto niyang igugol na kasama ako. Nakita ko sila na magkakasama. Humiwalay si Rosen sa mga kasama niya para tumabi kay bakla. Kaharap nila si Queenie at Maico. Napatingin sila sa'min. "Hi Guys, he's Jordan." Nginitian nila si Jordan pero kay Rosen ako nakatutok.

Hindi naman siya nakangiti pero maayos ang pagtanggap ng tingin niya kay Jordan. Ang isa sa inaalala ko ay baka nagseselos siya. I don't know why I care for his feelings for me? Masyado akong natuwa sa kaniya. Hindi malayong matuwa at ma-in love siya sa'kin. Kahit naman ganiyan siya, lalaki parin siya. Pinakilala ko siya kay Jordan. I don't care if hindi magustuhan ni Jordan si Rosen dahil sa ugali nito pero wala namang problema. Nagsimula kaming kumain. Nagtatawanan sila at kami ni Jordan ay nag-uusap lang. Nasa kanila ang atensyon ko pero nakatingin ako kay Jordan. Tingin ko, wrong timing siya dahil mas gusto kong kausap sila bakla this time.

"Tell me about yourself." Narinig kong sabi ni Maico kay Rosen.

Topic kasi nila 'yung interview. Hindi kasi si Maico ang nag interview kay Rosen kaya nagtry siya. Nakikinig ako't naging interesado sa isasagot niya. "I'm Rosen. 16 years old, masipag, matulungin, mabait, maka-Diyos, hindi babaero, gentleman, hindi manyak..." Nagtawanan lahat. Pigil ang tawa ko dahil nagsasalita si Jordan habang kumakain kami. I know even Jordan heard it but hindi ang tipo ni Jordan 'yung makiki-isa sa mga hindi niya kaclose. Or judgmental lang ako? Sabagay, halata naman na wala doon ang atensyon niya.

"Hobbies?" Tanong uli ni Maico. Grabe naman 'tong mga 'to, hindi pa tapos kumain panay na ang kwentuhan.

"Playing basketball and guitar." Sagot ni Rosen na ganado pa.

"So, you know how to play guitar?"

"Syempre."

"What song do you oftenly play?"

"Sweet child of mine." Wow!

"Gimme some chords."

"Kailangan pa ba 'yun? Trabaho ang pinunta ko, hindi tanungan ng mga chords."

"So, hindi mo alam?"

"Hindi sa ganun." Gusto ko nang tumawa kasi parang nag-sinungaling lang si Rosen.

"So, nagsisinungaling ka?"

"Hindi naman kasi dapat tinatanong 'yan."

"Diyan malalaman kung nagpapa-impress or nagsisinungaling ka lang."

Nagtawanan sila. Halata kasing nagpa-impress lang si Rosen. "Pwede bang ibahin 'yung kanta?" Napatawa na din ako. Napansin ko si Jordan na nagtaka. Nagsasalita pala siya pero wala sa kaniya ang atensyon.

"I'm very sorry." I apologized.

Narinig ko na naman sila. "Rose, hindi ka na tatanggapin kung si Maico pala ang nag-interview sa'yo." Ayie laughs after he says it.

"Walang kwentang interview." Kinuha ni Maico ang ballpen niya sa blouse at sinaksak si Rosen sa dibdib pero nakaiwas ito at hinawakan ang kamay ni Maico dahil tinutuloy nito ang pagsaksak. Nakakainggit naman.

"Ano ba kasi ang pinakain mo sa nag-interview sa'yo?!" Alam kong ako ang pinaparinggan ni Maico. Pero wala sa kaniya 'yun. Wala din sa'kin pero nagpipigil ako ng tawa. Hanggang sa nakita kong nakahawak na ang kamay ni Rosen kay Maico dahil continue lang ito sa pagsaksak. Walang malisya pero bakit iba na ang nararamdaman ko? Hindi naman kasi ganiyan si Maico. Alam kong sang-ayon siya sa lahat ng bagay na plano ko kaya mabait siya kay Rosen pero ang iniisip ko, baka pareho kami ni Maico ng nararamdaman. Pinipigil ko ang sarili ko kay Rosen kahit alam kong walang pipigil sa'kin kung maglapit kami. Inaalala ko lang si Daddy na baka tutol siya. Ayokong napipilitan lang sila para makuha ko ang happiness ko.

Kaya nga masaya ako dahil botong boto si Mommy kay Jordan at alam kong ganun din si Daddy. Narinig ko uli si Maico. "Tuturuan kita Rosen sa interview. Maging totoo ka lang. Hindi lahat ng interviewers gusto ang impressive performance. Sa'kin kasi, mas gusto ko 'yung kahit walang experience sa trabaho, basta hindi pabida. Pwedeng maging impressive sa ibang paraan. Madali namang magtrabaho kung desidido lang at seryoso."

Ganun? Kaya pala hindi niya tinanggap 'yung isang nag-apply noon dahil mahabang panahon nang hindi nakapagtrabaho. Si Maico talaga, paiba-iba ng isip. Sabagay, sa interview siguro bumagsak. Mahirap kasi sagutin ang tanong lalo't nagpapanggap ka. Baka may nakita siyang butas sa taong 'yun. Ganito sa Pilipinas. Hindi ko masisisi si Maico dahil araw araw may nag-aapply kahit hindi namin kailangan. Utos ni Daddy na tanggapin ang papasa sa interview o ireserve muna.

"May kakilala akong nag-abroad sa Korea ah. TNT pa, wala nang interview, diretso pasok na sa Pabrika." Sabi ni Rosen.

"Sa Korea 'yun. Pilipinas 'to." Maico answered.

Malamang, sa Korea, maraming maliliit na tao ang kailangan gaya ng isang Pilipino. Dito kasi, sobrang dami ng tao. May point si Rosen pero mas may point si Maico. Kung tatanggapin lahat ng nag-aapply, baka magsiksikan na dito. Hindi talaga pwede.

"Hay naku." Rosen complained.

"7 out of 10 ang naiinterview ko na masipag talaga. Kung lahat ng katulad mo, tatangapin namin, baka 1 out of 10 lang ang mapagkakatiwalaan." Nagtawanan sila.

Sumingit ako. "Maico, si Rosen na 'yung 1 na sinasabi mo." Napatingin sila lahat sa'kin. Nadistract si Jordan dahil nagsasalita pala siya.

"Ken, 1 over 1 sa nainterview mo ang masipag. Chamba lang 'yun." Nagtawanan sila pero hindi ako tumawa. Nakatingin si Jordan sa'kin. Hindi ko napigil ang sarili ko. Pero walang problema kay Jordan. Mabait naman siya lalo na sa'kin. Kailangan niya akong sakyan para hindi kami magkasira.

"Doon na lang ako sa perdigana." Binanggit na naman ni Rosen ang salitang 'yun. Ano ba kasi 'yun?

Ngayon ay umalis na si Jordan. Plano ko siyang sunduin mamaya para makabawi ako. Pupuntahan ko siya ng maaga para sabay na kaming uuwi. Bahala na siya kung saan niya ako dalhin. May kasalanan pa naman ako sa kaniya. Bumalik ako sa office. Napapangiti ako pag-naaalala ko 'yung usapan kanina. Baliw talaga si Rosen. Sabagay, interview 'yun. Hindi pwedeng siraan mo ang sarili mo. Lahat ng magagandang ugali nasa kaniya na. Napapatawa talaga ko kasi ngayon lang ako nakakita ng tulad niya.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now