56.

34 1 0
                                    

"Ma'am Ken." Tinawag ako ng sekretarya ko. "Kakausapin daw kayo ng Daddy niyo."

Tumayo ako at lumakad papunta sa office ni Daddy. Hanggang makarating ako. "Dad." Pumasok ako sa loob ng office niya at umupo sa paborito kong upuan. Kahit malayo ako sa kaniya ng konti ay sanay kaming mag-usap basta walang ibang tao sa loob.

"Are you okay?" Parang nanlalambot kasi ako. Kaya tanong 'yan sa'kin ng buong mundo.

"Okay ako, Dad."

"Thank you dahil naging mabait ka sa'kin at ang reputasyon mo ang nagdadala ng lahat."

"Dad, ayoko muna ng message or drama."

"I mean.." Tumingin ako sa kaniya. At parang ayaw pang lumabas ng sasabihin niya. "Hindi na ordinaryo ang tingin sa'kin ni Marco.. na.. Ama ni Rose. Kasi malapit kayo sa isa't isa. Naramdaman kong naging mas malapit siya sa'kin because of you. Gustong gusto ka niya. Kaya naging madali sa'kin ang transaksyon tungkol sa negosyo para sa kaniya. Hindi sa nagmumukha akong pera, Anak. Pero malaki talaga ang ginampanan mo para mas lalong mapalapit kay Don Marco. Hindi talaga ikaw o si Rose. Kundi ang paglalapit niyo. Masaya ako para sa'yo."

"Thanks, Dad pero hindi ko sadya ang lahat."

"Alam namin. Alam din ni Don Marco na imposibleng magustuhan mo ang Anak niya dahil wala itong alam sa negosyo."

"Hindi importante 'yun, Dad."

Matapos naming nag-usap ay halos walang nabago sa mood ko. Nakikita ko talaga sa'min ni RM ang samahan ng ordinaryong pamilya. Mula kami sa matataas na angkan. Kaya kaysa masayang ito, wala naman kasi talagang Rosen sa totoong buhay. Walang janitor na mapapasaya ako dahil mayaman siya. Sa umpisa lang ito at hindi ko hahayaan na hindi maduktungan ang puhunan ko sa kaniya. Malaki ang malulugi sa'kin oras na mawala siya.

Umabot pa ang ilang oras. Sinabihan ko si Maico na gusto ko munang mapag-isa. Hanggang sa pumasok na si RM sa kwarto ko. "Kamusta?" Nginitian ko siya. 'Yung tipo na hinihintay ko siya pero kada bukas ng pinto ay ipinagdadasal ko na sana hindi siya ang dumating. Pero na'ndito na siya.

"Nakausap ko na ang Daddy mo. Pasensya na kung siya ang inuna ko. Para lang mauna ang pressure."

"Okay lang." Ako ang amo mo kaya dapat ay ako ang inuuna mo. Pero hindi ko na kaya pang sabihin 'yun. Iba na ang katauhan niya.

"Well, I'm happy and sad. I have a bad news or not." Kinabahan akong bigla. Hinawakan niya ang kamay ko. Ibang iba na siya maging sa pananalita. Ang hinahanap parin ng tenga ko ay ang pananalita ni Rosen.

"Wala bang good news?" Nakangiti ako. Hinihintay ko ang bad news na ito.

"Ken, alam kong magiging ganito tayo umpisa pa lang na minahal kita. Alam kong hindi mo makikita sa'kin ang lalaking gusto mo dahil ako man ang gumanap bilang si Rosen ay puro pagpapanggap lang dahil ayokong malaman niyo kung sino ako. Hindi ko akalain na mapapamahal ako sa'yo. I guess I like you and your attitude. Pero hindi ko inaasahan na mamahalin kita sa maiksing panahon lang. You're so amazing. You're so beautiful and lovely. One in a million. But I am just an ordinary. Kaya natatakot akong malaman mo kung sino ako ngayon. Nung una, plano kong magpakilala sa'yo at ligawan ka pero habang tumatagal, nakikilala kita kaya sobrang natakot akong baka ayaw mo sa mga katulad ko. Isang mayaman na walang alam."

"No.." Hinawakan ko ang kamay niya. "Ikaw pa din 'yan. Madedevop ang feelings. Minsan 'yung ayaw mo ang minamahal mo."

Ngumiti siya. Hawak parin niya ang kamay ko. "Really?"

"Sure ako. Kaya masaya talaga ako ngayon."

"Kasalanan ko ang lahat. Hinayaan kong maging malapit sa'yo."

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now